part 1 of 1

39 1 0
                                    

[ ON GOING SCENE ]

MAMA  MAMA  MAMA MA ~  sunod sunod na tawag ni chloe habang umiiyak , MA ang sabi mo hindi mo ako iiwan , pero bakit  iniwan mo ko .  ang daya nyo naman hindi kayo tumatupad sa usapan , chloe tama na yan ,tahan na , ani ni jessica habang hinahagod ang likod ni chloe.  tahan na paulit ulit na sabi ni jessica .tumingin si chloe kay jessica at niyakap ito at nagpatuloy sa pag iyak. hindi  matutuwa ang mama mo kung makita ka nyang umiiyak kahit yung papa mo ,di ba ayaw ng mama mo na nakikita kang umiiyak kaya tahan na  ani ni jessica .

dapit hapon na pero wala pang balak na umalis si chloe sa  puntod ng mama nya ,patuloy na pumapatak ang luha ni chloe habang nakatulala sa pangalan ng mama nya sa lapida nito .

hayaan mo na sya pigil ni rica kay sica na lalapitan na sana si chloe . mahirap para sa kanya ang nangyari  hayaan na lang muna na tin sya  pagpapatuloy ni rica . pero ngayon nya tayo kailangan sagot ni sica .hindi naman natin sya iiwan ,ang akin lang hayaan na muna natin sya ,kailangan nya ring mapag isa kahit minsan ani ni rica . huminga ng malalim si sica at tumingin kay chloe . nanatili silang dalawa ni rica sa kinatatayuan nila at pinagmamasdan lang ang kaibagan nilang si chloe .

uwi na tayo aya ni sica kay chloe .ayaw ko dito lang ako gusto kong bantayan si mama  ani ni chloe  habang nagsimula na namang pumatak ang luha nya. tumingin si chloe kay sica naiintindihan nyo naman ako diba ? tanong ni chloe  kay sica at rica. hindi sumagot sila rica at ngumiti na lang ito kay chloe. si mama na lang ang meron ako pero bakit pati sya nawala ? bakit pati sya iniwan ako? ani ni chloe. tumigin lang ang mga kaibigan nya sa kanya.

nakatulog na si chloe kakabantay sa puntod ng mama nya. tsaka lang sya inuwi ng mga kaibigan nya sa  bahay nila . hiniga agad nila rica si chloe sa kama nito . ang bigat mo  grabe! reklamo ni rica na nakahawak sa likod nito .

[kinabukasan]

CHLOE ! sigaw ni sica ng makitang wala si chloe sa higaan nito. anong nangyari ? tanong ni rica na nagmamadaling lumapit kay sica .tumingin si rica sa tinitignan ni sica ,huminga na lang ng malalim si rica . tumigin naman sa kanya si sica  at  tsaka nagmamadaling lumabas ng pinto .teka san ka pupunta?ani ni rica habang hinahabol si sica .alam ko na kung san sya pumunta  ,tara! ani ni sica habang sumakay ng kotse .


nang makarating doon wala ni isa sa kanila ang bumaba ng kotse tinignan lang nila ang kaibigang si chloe . nang may lumapit kay chloe na babae  nag tinginan sa isa't isa sila sica at rica .

chloe! tawag ng babae , tumingin si chloe sa babae at tumayo ito. bakit po ? tanong ni chloe . nang bigla syang yakapin ng babae  nagulat naman si chloe sa ginawa ng babae .bumaba sila rica at sica sa sasakyan. CHLOE ! tawag ni sica habang tumatakbo ito papalapit kay chloe . nag hiwalay na ng yakap si chloe at ang babae. wag kayong mag alala hindi ko sya sasaktan ani ng babae habang hinihimas ang buhok ni chloe  at nakatingin  kila sica . pwede ko ba syang mahiram muna sa inyo ? ani ulit ng babae. may pag uusapan lang kaming important dugtong nito . walang naging reaction ang dalawang kaibigan ni chloe . 

anong pag uusapan natin ? tanong ni chloe sa babae . tungkol sa kasunduan namin ng mama mo , sagot ng babae habang nakatingin sa menu ng restaurant. inabot ng babae ang isang folder na nag lalaman ng kasunduan nila ng mama ni chloe. kinuha naman yun ni chloe.binuksan ni chloe ang folder. nanlaki ang mata nya sa nakita nya na laman ng folder. magpapakasal ka sa anak ko ani ng babae ,napatingin si chloe sa babae.bukod sa may kasunduan kami ng mama mo, gusto nya rin na  maging maayos ang buhay mo kahit wala na sila. ginawa lang ng mama mo ito para rin sayo , para sa ikakaganda ng buhay mo , pag papatuloy ng babae. hindi sumagot si chloe at pumatak na lang ang mga luha nya. hahayaan muna kita ngayon baka nabibigla ka sa mga nangyayari  ani ng babae at tsaka umalis. 

ANO ? ikaw ? mag papakasal sa anak nya ? eh, hindi mo nga kilala yung anak nun kung mabait ba o kung ano tapos errr,ani si sica habang hawak ang marriage contract . nakakainis naman! dugtong nito .ano ng balak mo ? tanong ni rica sa mahinahon na tono. iniling ni chloe ag ulo nya bilang sagot.

panandaliang tumahimik ang paligid. siguro kailangan kong gawin yan , wala naman akong magagawa kung yun talaga ang kasunduan nila ni mama. kahit hindi ako pumayag alam kong walang saysay yun . kailangan ko pa ring gawin ang bagay na yun. dun at dun pa rin ang bagsak ko . ani ni chloe . lumapit si sica kay chloe at niyakap ito kung may magagawa lang kami ni rica para hindi mo na gawin yan eh , ani ni sica .

ring, ring, ring, tunog ng cellphone ni chloe , sinagot naman nya iyo . napalunok ng madiin si chloe habang nagsasalita ang kausap nya sa kabilang linya.  pupunta po ako  sagot ni chloe .tsaka nya binaba ang tawag . sino yun? tanong ni sica . ngumiti lang si chloe bilang sagot . sigurado ka na ba sa desisyon mo ? tanong ni rica . tumango lang si chloe.

[FLASHBACK] 

linda , kung mawala man ako ngayon ipangako mo sakin na aalagaan mo ang anak ko  kahit anong mangyari ,kung gusto mo ipakasal mo sya sa anak mo kung yun lang ang paraan para maging maganda ang buhay ng anak ko. ayaw ko na lalo nyang maramdaman na wala na syang magulang , na hindi nya na kayang mabuhay kung mawala pati ako , na malungkot sya araw araw . ipangako mo sakin linda na gagawin mo yun  .   [END OF FLASHBACK] 

[LINDA ] 

ginawa ko na eunice sana naman hindi ka na mag aalala pa , pero panu ko ba ipapa unawa sa anak mo yun ?  pati sa anak ko ?[ hingang malalim ] nagulat ako ng pumayag ang anak mo nang tawagan ko sya kanina, hindi kaya nabibigla lang talaga sya sa mga nangyayari ? o kaya nadadala sya sa emosyon nya kaya sya pumayag ?[kunot noo nyang pag iisip  nito ]..

humahanga ako sa inyo na kahit na maaga kayong nawala napalaki nyo sya maganda. eunice, mahal na mahal kayo ng anak nyo. nang makita ko sya kanina na nasa puntod mo , alam ko na na sobrang nasasaktan at nalulungkot talaga sya sa pag kawala nyo . gagawin ko ang lahat para hindi nya naramdaman na nag iisa na lang sya sa mundo , sana lang makaya ko ....[END]

aalis ka na talaga ? tanong ni sica kay chloe , panay ngiti lang si chloe. hinawakan ni rica ang kamay ni chloe ,tumigil naman sa pag lalakad si chloe at tumingin kay rica. kung saktan ka nun  tumawag ka lang sakin ako reresbak dun ani ni rica . humagikgik naman si chloe sa sinabi ni rica .OPO sagot ni chloe. kayo din mag  ingat kayo , tsaka bantayan nyo na rin sila mama , mamimiss ko kayo ani ni chloe , kami din sabay na sabi ng dalawa .mauna na ako baka bumaha pa dito  pag bibiro ni chloe. hinawakan ni sica ang kamay ni chloe ,wag ka ng umalis ani ni sica. ang drama mo na naman singit ni rica. chloe umalis ka na  ako na bahala kay sica  mag ingat ka lagi . dugtong ni rica tumango na lang sichloe at sumakay na ng tren . kumaway pa si chloe bilang huling paalam sa dalawa .

When you are mine.....Where stories live. Discover now