As in sooobrang ganda. Napanganga pa nga kami ni Mama.

"Hijo, nakapili ka na ba ng damit mo?"

"Ay, hindi pa po, Mommy. Wala akong mapili. By the way, kaibigan ko po pala, si Charlotte po. Tsaka si mom niya, si Tita Matilda."

Mabilis na natauhan si Mama at lumapit sa Nanay ni Taki. "Ay, nice to meet you po, Mrs. Grasa...?" alanganin niyang bati habang nakikipag-shake hands. "Naku, crush na crush po ng anak ko 'yang anak po ninyo kasi sobrang gwapo-"

"Mama!" halos sigaw ko at napatingin sa nanay ni Taki. Pero nginitian lang din niya ako nang matamis kaya napangiti na lang din ako.

"-dinadala pa nga niya yung picture ni Taki kahit saan-"

Napamulagat talaga ako nung narinig ko 'yon habang yumuyugyog na yung balikat ni Taki sa pagpipigil ng tawa. Matagal ko na kayang di dinadala yung picture niya! Ginawa ko na lang na bookmark dun sa isang libro ko. Si Mama talaga, gumagawa ng kwento. Tss.

"-May pinagmanahan naman pala. Kamukha po kasi kayo ni Taki. Artista po ba kayo dati?"

"Ay, hindi po," natatawang sagot naman ng nanay ni Taki.

"Naku, sigurado akong sisikat kayo ni Taki kung mag-artista kayo. Aba, kay ganda ng lahi po niyo!"

"Maalaga lang po sa kutis. Alam niyo na, kapag tumatanda, mas kailangang ipreserve ang youthfulness ng skin natin para laging mukhang bata."

"Siguradong mahal 'yang mga gamit nyo po ano? Ako kasi ngiti lang ang ginagawa ko kasi nakakabata rin po 'yon," natatawang sabi ni Mama.

Effective naman kasi natawa rin yung nanay ni Taki.

"May pupuntahan pa ba kayong iba?" nag-aalalang tanong ko kay Taki. "Baka kasi naiistorbo na namin kayo." Baka kung anu-ano na rin kasi ang masabi ni Mama kay Mrs. Grasa.

Pero bago pa makapagsalita si Taki, inunahan na siya ng nanay niya. "Hijo, maglibot-libot muna kayo ni Charlie. Your Tita Matilda and I will just go around. I'll call you when we're done, okay?"

"Okay, Mommy."

Tinignan namin yung mga nanay naming maglakad palabas nung store. Talagang nanay ni Taki pa ang sumukbit sa braso ng nanay ko. Yung parang matagal na silang magkaibigan tapos ngayon lang ulit nagkita kaya excited silang pareho.

"Alam ko na kung kanino ka nagmana sa pagiging friendly," kumento ni Taki.

"Pati sa kadaldalan," dagdag ko tas tumawa na naman siya. Mababaw siguro ang kaligayahan ni Taki kasi kahit 'di ako nagjo-joke, bumebenta sa kanya.

Lumabas kami ng store tas inaya niya akong magmerienda. Tatanggi sana ako kasi busog pa naman ako dahil sa pa-pizza ni Kuya MacMac. Ako kasi ang umubos nun. Pero libre naman daw ni Taki, de sige. Siyempre, libre 'yon, hehehe.

"Ano'ng order mo?" tanong niya sa akin habang tinitignan namin yung menu.

"Kung ano na lang yung sa'yo. Para matchy-matchy tayo," sabi ko, tapos humagikgik na naman siya. Kung babae lang 'tong si Taki tas ako yung manliligaw niya, baka matagal niya na akong sinagot. Ang dali niyang patawanin eh. Eh diba, gusto 'yon ng mga babae? Yung nakakapagpatawa sa kanila madalas?

"Sandwich lang ang oorderin ko tsaka tubig. Sure kang ganun lang din ang sa'yo?"

"Oo naman. Kung gusto mong dagdagan, okay lang din sa'kin."

"Haha, ang kulit mo talaga." Itinaas niya yung kamay niya para tawagin yung waiter na mukhang inaantok. "Kuya, dalawa pong ganito," turo niya dun sa picture ng burger. "'Yung sandwich lang po tsaka dalawang bottled water na rin."

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 30, 2019 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

HATBABE?! Season 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora