"Bakit? Mas maganda nga kung makita mo kung paano umungol saakin si Jihoon. Kung paano siya sarap na sarap saakin. Swerte mo dahil magaling rin sa kama tong jowa mo--"



Napatigil si Seungcheol sa pagsasalita nang binato ni Soonyoung ang mamahalin na vase at tumama iyun sa pader malapit sa kinaroroonan ni Seungcheol.


"Putangina sabi ko tumigil ka at mas lalong wag mong tatawagin yang malanding yan na jowa ko." Gulat na gulat parin sila Seungcheol pati si Minghao sa ginawa ni Soonyoung. Napatingin si Soonyoung kay Jihoon at binato sakanya ang bracelet.



"S-soonyoung l-let me explain--"



"No need dahil ayoko na kita makita pa." nagwalkout na si Soonyoung at si Jihoon ay nagmadaling suotin ang damit niya. Pagkasuot niya ay dali-dali siyang lumabas at sinundan si Soonyoung.




"S-soonyoung sandali! Soonyoung!" Hinawakan ni Jihoon ang kamay nito pero agad na binalibag iyun palayo ni Soonyoung.



"Huwag na huwag mong hahawakan." Nandidiring sinabi ni Soonyoung.


"S-soonyoung please mageexplain ako. Babe mageexplain ako." Nagmamakaawang sinabi ni Jihoon.


"Explain?! Putangina Jihoon! Sapat na ang nakita ko!" Nagagalit na sinabi ni Soonyoung.




Naiiyak si Soonyoung. Akala niya wala nang mas sasakit pa sa nakita niya sa video pero mas masakit pala pag nakita mo na sa personal kung paano ka ginagago ng mahal mo.


"K-kailangan kita Jihoon eh. Kailangan ko ang boyfriend ko. Hirap na hirap na ako pero ikaw parin iniisip ko. Tapos makikita ko lang na nakikipaglampungan ka don sa tanginang lalaking yon? Ano ba connection mo sakanya? Ano ba talaga kayo? Kayo ba? Ano? Kasi Jihoon nababaliw na ako eh! "



"Nababaliw na akong kakaisip kung bakit niloko mo ako."



soonyoung

Napamura ako habang pinupunasan ko ang luha ko. Tangina. Hindi ko inexpect na iiyak ako dahil lang sa isang tao. Ganto pala pag nalaman mong niloko ka. Ang sakit sakit.



"F-First Love ko si Seungcheol. N-nakilala ko siya nung highschool at last year nagdecide akong umamin sakanya. Mahal na mahal ko siya noon pero nung sinabi ko sakanya yung nararamdaman ko bigla niya akong nireject. Halos gumuho ang mundo ko non kasi sigurado na ako sa sarili ko siya at siya lang mamahalin ko..."




"Naging desperado ako at sinabi ko gagawin ko lahat ang gusto niya. Sinabi niya na pagsineduce kita at mainlove ka saakin ay magiging kami. Pero maniwala ka Soonyoung noon ko pa sinabi sakanya na hindi ko na itutuloy kasi nahuhulog na ako sayo eh. Maniwala ka saakin tinigil ko na yun noon pa." nagattempt siyang hawakan ang kamay ko pero pinili kong lumayo sakanya at napapailing.


"M-mahal kita Soonyoung..." dagdag pa nito.


"Kung mahal mo ako bakit kayo magkasama ni Seungcheol? Jihoon halos isang buwan ka nang wala. "


"N-naguilty ako. Naguilty akong magpakita sayo--"


"Bullshit."


"I-i'm sorry Soonyoung." Naiiyak na sinabi ni Jihoon.




"Bullshit Jihoon. Nakakabullshit." Napahilamos ako ng mukha.



"Hanggang ngayon mahal mo parin si Seungcheol." sabi ko.



"Hindi ko na siya mahal Soonyoung--"



"MAHAL MO SIYA DAHIL KUNG HINDI MO SIYA MAHAL EDI SANA PUTANGINA HINDI KA BUMIGAY SAKANYA!" Sigaw ko kay Jihoon. Iyak siya nang iyak sa harapan ko pero wala na akong paki.




"Magbreak na tayo."




"S-soonyoung please... maayos pa natin to!" Nagmamakaawang sinabi niya.


"Tapusin na natin to Jihoon. Mukhang wala naman rin mararating tong relasyon na to." Naglakad na ako palayo sakanya. Pumasok na ako sa elevator at pagkasarado nito ay napasandal ako sa dingding at dun ko binuhos ang luha ko.




Lahat na lang nang mga mahal ko sinasaktan na lang ako. Ginawa ko naman ang best ko. Binigay ko naman ang lahat lahat pero bakit sinasaktan pa nila ako...


*kring kring*


Kahit ayoko man sagutin ang tawag ay sinagot ko na. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako nagsalita.


"H-hello."


[h-hyung si mingyu to.]



"B-bakit mingyu?"


[ h-hyung..]



"Ano nga yon?"




[ p-patay na si momo.]

love lust | soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon