Prologue

4.9K 68 0
                                    

Eighteen But A Thousand Years:
Prologue

.

.

.

Mariin akong napapikit sa inis nang marinig ang nakakarinding tunog ng alarm clock. Napilitan akong bumangon at hinilot ang aking sintido. Gabi-gabi kong hinihiling na sana hindi na muling sumapit ang umaga. Pero ito, lagi akong ginigising ng tang'nang alarm clock habang ang sinag ng araw ay tumatama sa aking mukha.

Naglakad ako papunta sa banyo upang maghilamos. Pagkatapos kong sabunin at banlawan ang aking mukha ay napatitig ako sa salamin. Wala paring pinagbago ang aking mukha. Hanggang ngayon, mukha pa rin akong labing-walong taong gulang na lalaking nag-aaral. Napailing na lamang ako tsaka lumabas ng banyo at nagpunas ng mukha.

Naglakad ako papunta sa upuan kung saan ako laging umuupo tuwing umaga. Kaharap ito ng isang malaking bintana kung saan matatanaw ang mga nagtataasang gusali at ang mga pulang ilaw na nagmumula sa iba't-ibang sasakyan.

Kinuha ko ang baso kong may lamang kape sa lamesa na katabi ng upuan kung saan ako nakaupo upang humigop mula rito. Alam na ni Lazaro ang lagi kong hinahanap sa tuwing gumigising ako, it was coffee.

Pinagmasdan ko ang mga gusali, sasakyan, at ang isang napakalaking pagbabago sa lugar ng Heinz. Pero bago lahat ng pagbabagong 'to, ano nga bang klaseng buhay ang mayro'n 'noon' ang mga tao? Anong tradisyon nila at nangyari sa kanila sa mga panahong 'yon? Mga nangyari bago nila nakamit ang ganitong kalayaan?

Sabihin na lamang natin na.. anong klaseng buhay ang mayro'n 'kami' noon?

It was full of darkness, full of pain, full of misery, full of mystery, and.. it was all unexplainable.

Binasa ko ang aking labi bago ipinatong ang tasa sa katabi kong lamesa. Ikinuyom ko ang aking kamao kasabay ng pagtulo ng aking luha.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata bago binalikan ang kwento ng nakaraan..

Eighteen But A Thousand Years (RLS#1) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon