"Tsk. Palusot mo! Ang sabihin mo, nakalimutan mo!"-singhal niya sa akin.

"Kung ayaw mong maniwala, huwag ka ng sumatsat! Malapit ng dumating si sir, kailangan nating kumopya!"-singhal ko at saka linabas ang notebook at ballpen ko.

"Eto ang hirap sa estudyante."-bubulong pa ni ayna sa tabi ko.

Umirap na lang ako at saka akmang tatayo ng magulat kaming dalawa ni ayna dahil lumapit sa harapan namin si rondrick.

Simula kase ng maghiwalay sila, sa pinakagilid na umupo si rondrick para hindi mainis si ayna.

Medyo may pag alinlangan pa siya ng lumapit pero nagawa pa niyang ibigay kay ayna yung notebook niya.

Nawalan ng ingay ang buong paligid. Tila tumigil ang pag ikot ng mundo dahil lahat ng kaklase namin ay nanonood na. Yung iba bumubulong na sana magkabalikan sila.

Yumuko si ayna at saka mahigpit na hinawakan yung desk niya.

"A-ano to?"-walang emosyong tanong ni ayna kay rondrick.

Umiwas naman ng tingin si rondrick at ako naman ay walang ibang ginawa kundi ang panoorin ang dalawa.

"Assignment ko. Kopyahin mo na, wala na kayong oras."-pilit na sabi ni rondrick.

Kita ko padin sa mata niya ang pagmamahal kay ayna kaya hindi ko lubos maisip na nagawa niyang saktan ito. Halata namang hindi pa sila nakaka move on sa isa't-isa, pinapahirapan lang nila mga sarili nila. Tsk.

Nagulat kaming lahat ng marahas na hinawi ni ayna yung notebook ni rondrick dahilan para mahulog ito sa sahig.

"Hindi ko yan kailangan."-malamig niyang sambit bago lumabas ng classroom.

Kita ko kung paano nasaktan si rondrick dun na kahit sino ramdam ang sakit niya ngayon.

"Ayna!"-mabilis din siyang lumabas para sundan ito kaya naiwan kaming lahat na nakatingin sa pintong pinaglabasan nila.

*katahimikan*

"Good morning!"

"Ay bakla!!!"-sabay sabay pa naming sigaw sa gulat ng basta na lang pumasok si mr montevaldejo.

O_O

"ANONG SABI NIYO?!"

Lagot!

Khanz' POV

"Long time no see brother!"-malayo pa lang ang gago, kung makabati parang ngayon lang kami nagkita. Tsk.

"Ngayon na nga lang tayo nagkita ganyan pang mukha ang ibubungad mo sa akin."-natatawang wika niya at saka umupo sa harapan ko.

Nagpandekwatro siya at saka sinandal ang dalawang kamay sa likod ng couch. Hindi ako pumasok sa school dahil ngayon ang uwi nila chairman.

"Where's khenner?"-I asked while busy watching on the tv.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagngiwi niya.

"Siya na wala dito, yun pa ang hinahanap mo? Eh ako, nasa harapan mo na nga---"

"Quit the act khonner."-matigas kong sambit.

"Oh brother. I miss your attitude. Anyway, khenner is gone."-simpleng sagot niya na pinagtaka ko.

Khenner and khonner are twins and yeah, they are my brother. Kakauwi lang nila galing korea at kasama nila si chairman pauwi. Ewan ko lang kung bakit mag isa lang umuwi ang gago.

"Why?"-tipid kong tanong at ng wala akong mahanap na magandang channel, pinatay ko na iyon at hinarap si khonner na ngayon ay nakataas na ang paa sa lamesa.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon