Umalis na din ako sa pagkakahiga galing sa kama ko at muling tinignan ang sarili ko sa salamin. Masasabi kong simple lang ang suot ko dahil naka ripped jeans lang ako at saka blouse na pinaresan ko ng rubber shoes.

Hindi kase ako sanay sa mga dress 'di tulad ni ayna na mahilig dun. Mas comportable ako sa mga ganito. Hindi sana ako magsusuot ng blouse kung hindi ko lang alam na party ang pupuntahan namin. Tsk.

"Oh, hindi mo kukuhanin backpack mo?"-natatawang asar pa ni ayna kayo lalo akong nainins.

"Ulol!"-irap ko atsaka nauna ng lumabas sa kwarto ko.

Nadatnan ko si mama at emman sa salas habang nanonood. Sinulyapan lang niya kami ng tingin atsaka pinagpatuloy sa panonood. Buti at pinayagan niya akong umalis dahil si ayna na mismo ang nagpaalam kay mama para sa akin kaya nagpapasalamat ako dahil kapag wala si ayna paniguradong hindi niya ako papayagan. Hindi pa kami nag uusap ni mama at hindi ko na alam kung paano pa.

"Zad!"-agarang lumingon sa amin si zad pagkalabas namin ng bahay.

Nakasandal siya sa kanyang kotse habang nakapamulsa. Napaka gwapo niyang tignan sa suot niyang faded jeans, v-neck white at saka leather jacket na black tapos nakarubber shoes siya. Simple lang pero ang lakas na ng dating para sa akin.

Kailan mo kaya ako mapapansin?

"Hey, are you ready?"-nakangiting tanong niya sa amin kaya lalong kumabog ang dibdib ko.

Kahit talaga nasasaktan na ako, hindi padin nawawala ang pagkahumaling ko sa kanya. Kailan ba magbabago?

"Oo naman! Basta kami ni ahli, palaging ready kapag pinaguusapan ang party!"-pang aasar pa ni ayna kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Umiwas naman siya ng tingin. "Tara na."-siya pa talaga nagyaya at saka naunang pumasok sa backseat, iniiwasan ang masamang tingin ko sa kanya.

Palihim na lang akong umirap.

"Hey, you okay?"-lumapit si zad sa akin at saka hinawakan ang kamay ko.

Di ko mapigilang makaramdam ng kakaibang kaba. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko at nahihiya ako.

"O-okay lang. Tara na."-nginitian niya ako at saka pinagbuksan ng pinto sa passenger seat.

Pagkapasok ko dun, nakita ko ang panunuyang tingin ni ayna kaya lalo akong nainis.

"Pumapagibig na kaya..."-pagpaparinig niya pa.

"Tumahimik ka."-duro ko at saka muling tumingin sa harap ng makapasok si zad sa loob.

Mabilis niyang pinaandar ang kanyang kotse at saka nagsimula na kaming mag usap-usap tungkol kay ate zaynah. Napagalaman kong kakauwi lang niya kahapon at dito niya gustong i-celebrate ang birthday niya. Kaya pala wala si zad kahapon dahil sinundo niya si ate zaynah sa airport.

Pagdating namin sa bahay nila zad, agad siyang pinapasok ng makita ng guard ang kanyang kotse. Madaming mga kotse din ang nakapark sa labas kaya batid kong madami silang bisita.

Pagkaparada niya sa garahe nila, mabilis na kaming lumabas at nagtungo sa likod ng bahay nila kung saan dun nagaganap ang pagsalo-salo.

Malawak at malaki ang bahay nila. Wala pading pinagbago tulad noong pumupunta palang kami ni ayna dito. Dinig na dinig namin ang malamyos na musika galing sa labas kaya naman naglakad na kami patungo dun.

Unang bumungad sa amin ay ang mga taong nakaupo sa mga lamesa habang nag uusap-usap. May ilang naka formal habang kausap ang mga kaibigan at mga business man. May mga tulad din naming kabataan na masayang nag uusap-usap.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now