Wala Nang Hihigit Pa (Sayo)

25 1 4
                                        

Byun Baekhyun. 20 taong gulang. Sophomore student ng SM University. Matalino, maganda, at sikat. Varsity siya sa volleyball sa paaralan niya. Isa siya sa mga wing spiker na inaasahan ng team nila.

Park Chanyeol. 20 taong gulang. Sophomore student ng Shin Zha University. Matalino rin naman, setter kasi ang position niya sa volleyball team. Gwapo at palaging pinapanood kapag may laro.

At tsaka...

...

...

Soon to be manliligaw ni Byun Baekhyun. Siya na nagsabi niyan ha. ;)

Simula pa last year, noong mga rookies pa sila, napansin na ni Chanyeol ang wing spiker ng SM University na no. 4 ang number. Hindi malilimutan ni Chanyeol na nagharap ang Shin Zha at SM noong buwan ng Hulyo nang nakaraang taon.

Habang ina-announce na ang mga players na ipapasok as Starting 6, siyempre as a setter ay nilinga-linga at pinag-aralan niya ang mga players ng SM, lalo na ang bala nilang wing spiker na si Byun Baekhyun. Naisip niya agad na, aba maganda 'to ah. Mas lalo siyang naging interesado sa open spiker nang pinagkamay ang mga players ng dalawang team. Siyempre, nagkahawak ang mga kamay nila. Malambot na mga kamay ni Baekhyun sa mga magaspang na palad ni Chanyeol. Kahit sa saglit lang na panahon ay napansin na ni Chanyeol ang kagandahan ng kamay nito. Ang cute.

Nagsimula na ang laro. Dikit kaagad ang laban. Matatawag rin kasi na rivals ang dalawang unibersidad dahil madalas silang magkaharap sa finals noon. Abala si Chanyeol sa pag-set at abala sa pag-spike si Baekhyun. Minsan ay sinusulyapan ito ni Chanyeol ngunit mukhang 'di naman ito napapansin ni no. 4.

Nakuha ng SM ang first two sets, pero nakabawi naman ang Shin Zha at nakuha nila ang third set. Start na ng fourth set. Do or die pa rin 'to para sa team ng Shin Zha. Si Chanyeol ang unang nag-serve. Hinga ng malalim. Serve.

Si Baekhyun ang nakakuha ng bola. Nag-set ang teammate niya at bumalik kay Baekhyun para mag-backrow spike. Score. Naka-score si Baekhyun. First point para sa SM.

Makalipas ang ilang rotations ay pareho nang nasa harapan ang dalawa. Dahil sa mainit na game, nag-request pa ng challenge ang SM ng 'touch' dahil tinawag ng referee na out ang bola na-spinike ni Baekhyun.

Habang busy ang lahat at nag-aantay pa na i-play ang clip, pasimpleng kinausap ni Chanyeol si Baekhyun.

"Walang touch."

Napalingon naman si Baekhyun dahil sa sinabi ng setter. "Ano?"

Nag-smirk si Chanyeol. "Buti naman at binigyan mo na 'ko ng atensyon. Ang sabi ko, walang touch. Ako lang naman ang nag-block sayo at sure ako na wala."

Nagtaka si Baekhyun dahil sa unang sentence na binigkas ni Chanyeol. "Sinabi mo na buti naman at binigyan na kita ng attention ko? Bakit, tinawag mo ba ako kanina?"

"Inexpect ko nga baka kanina ka pang nawi-weirdohan sa'kin kasi kanina pa akong tingin ng tingin sayo." Sabay tawa pa ng kaunti ni Chanyeol.

Aba confident at walang kahiya-hiya ah. Direct to the point.

May isasagot pa sana si Baekhyun nang biglang in-announce na ang point ay mananatili pa rin sa Shin Zha University.

"Tama nga ako diba, walang touch." Kumindat muna bago bumalik sa pwesto si Chanyeol.


=•=•=


Ang ending, SM pa rin ang nanalo sa 5-setter match na yon. As usual, si Baekhyun ang naging POG o Player of the Game.

Wala Nang Hihigit Pa (Sayo) Stories to obsess over. Discover now