"Bakit? May sinabi ka bang huwag kitang kausapin?"-taray niya.

"Kung pagti-tripan mo lang ako, umalis ka na sa harapan ko baka hindi ako makapagtimipi at isaksak ko sayo tong tinidor ko sa lalamunan mo."-banta ko.

Nanlaki naman ang mata niya at napahawak sa kanyang leeg.

"A-ang brutal mo!"

"Tsk,"-irap ko.

"Makinig ka kase!"-nakangusong sabi niya kaya napabuntong hininga na lang ako. Ang kulit talaga ng babaeng to. Buti pa si lester, tahimik lang na kumakain habang si gelo---tsk. Wala si zad dito dahil may pupuntahan daw siya. Hindi naman sinabi kung saan. Habang si rondrick---di ko din alam kung san nagpunta.

"Ano ba kase yun?"-naiinis akong napakamot sa ulo ko.

"Napaka sungit mo ha! Pasalamat ka nagawan kita ng excuse sa mga teacher's noong absent ka! Hindi mo man lang sinabi sa amin kung anong nangyari sayo, kung patay ka na ba o---"

*boink*

Binatukan ko nga ang loka-loka. Kung ano-ano ang iniisip. Sabagay, muntik na nga akong namatay. Tsk.

"Kung wala kang ibang sasabihin----"

"Tsk. Oo na. Eto na. Eh kase, madalas ng hindi nakikisabay sa akin si rondrick ng break time at lunch. Hindi naman niya sinasabi sa akin kung anong pinagkaka abalahan niya. Nagtataka na ako kung ano bang ginagawa niya. Ano sa tingin mo?"-bakas sa mukha niya ang pagkabahala.

"Eh bakit ako tinatanong mo? Ako ba syota mo? Lecheng to!"

"Nagtatanong lang naman ako eh!"-depensa niya saka lalong ngumuso. Padabog pa niyang binaba yung hawak niyang rebisco na nakakalahati na niya.

"May inaasikaso lang yun siguro."-sabat naman ni lester na kakatapos lang kumain.

"Talaga?"-naging maaliwalas na mukha niya sabay tapik sa kamay ni gelo ng akmang kukuhanin niya yung rebisco niya.

"Eto naman. Ang damot!"-reklamo niya.

"Bumili ka ng sayo! Napaka takaw mo!"

"Madamot ka lang kase! Alam ko na kung baket wala si rondrick, nambabae yun panigurado!"-pang aasar ni gelo sabay ngisi.

Sinamaan naman siya ng tingin ni ayna. Tsk. Magsisimula na naman ng away ang dalawang to. Napailing-iling na lang kami ni lester.

"Anong sabi mo? Hindi lang kita nabigyan, kung ano ano na pinagsasabi mo!"-kunot noong bulyaw ni ayna.

"Edi bigyan mo ko ng rebisco ng tumahimik ako."-pang uuto pa ng gago.

"Neknek mo! Maghanap ka ng utuhin mo ng mabigyan ka ng pagkain! Letse ka! Kulang na lang kainin mo kahit panis na!"

"Di bale ng panis, basta may makain!"

"Ewww! Ang dugyot mo talaga kahit kailan!"

"Anong dugyot dun! Nakita ko pala si rondrick kahapon, may kasamang seksing babae."

"Gago!

"Tapos-----"

Napapairap na lang ako habang nakikinig sa bangayan ng dalawa. Kailan kaya magkakasundo ang dalawang to? Napakaingay nilang dalawa. Baka sila pa magkatuluyan, hindi na ako magugulat.

Nabaling ang atensyon ko sa pinto ng makarinig ako ng impit na hiyaw at bulungan ng mga studyante ng papasok sina khanz. Gaya ng dati, wala siyang emosyon, walang pake sa kapaligiran. Yung mata niyang napakalamig kung tumingin. Wala pading nagbago.

May nag uudyok akong kausapin siya pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Ano pa bang dapat kong sabihin?

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now