Ballpen

661 8 0
                                    

Third person POV

Pinahiram ni Gleceria si Corazon ng ballpen sa kanilang Math time. At pagdating ng Filipino time
kukunin na sana ulit ni Gleceria ang kanyang ballpen
"Cora kukunin ko na ang ballpen dahil nawala na naman yung sa akin"
"Hah, sinauli ko na sa iyo ah"
"Weh, walang akong natanggap at saka hindi ko na alala"
"Tingnan mo nga sa iyong pencil case."
Kinuha ni Gleceria ang kanyang bag tapos inilabas niya lahat ng nilalaman nito
"CORAZON ISAULI MO NA PLEASE, HINDI AKO NAG JOJOKE!" halos mapaiyak na si Gleceria
"Wala nga sa akin, pa ulit-ulit na lang bah?" naiirita na si Cora
Hanggang sa dumating na ang guro nila sa filipino na si Sir Heraldo
"Sir wala akong ballpen, hindi ko magagawa ang activity natin" halos tutulo na ang mga luha ni
Gleceria
Tiningnan ni Sir Heraldo si Gleceria ng mabuti. Paa hanggang noo. "Ano 'yang nasa pitaka ng
blouse mo?" napakrus ang kanyang mga braso sabay iling at ang mukha ay may pagkadismaya
"Ay! Sorry sir..." may pahiyang ngiti ni Gleceria
"Sus nandiyan lang pala sa iyo sa buong oras. Nagalit ka pa sa' kin" wika ni Corazon.

DAGLI 💞Where stories live. Discover now