5. Abara Kadabra! Heinz Ketchup

Start from the beginning
                                    

"Hindi ako interesado sa brief nya!"

Binasa ko ulit ang mga impormasyong nakalap ni Mario, ang aking assistant, kunsabagay effort din naman sya considering na hindi naman na nya trabaho ito ni-blackmail ko lang sya na isusumbong ko sya sa Tatay nyang Pulis na sya ay isang Maria.

Pero sana nalaman manlang nya kung anong type nya sa isang babae.. anong ayaw nya.. para naman mapaghandaan ko. At syempre kung may jowa na ba sya, may kalandian na ba sya dito at ipapagahasa ko haha joke lang.

Ilang araw na kasi ang lumipas at hindi parin kami pinagtatagpo ng tadhana kahit dinadalasan ko na nga ang paglabas labas ko. Kung hihintayin ko pa si Inang Destiny baka maunahan na ako ng iba kaya eto kumuha na ako ng detective kuno at may malaking chance na i-stalk ko pa sya.

Ngayon lang kasi ako nakadama ng ganito, palagi ko syang napapanaginipan at iniisip, lahat na nga ng pwede nyang maging pangalan naisip ko na.

Andrew, Philipp, Jason, Raymond, Romnick, Paolo, Carl, Jigs, Harry, Hans.. Akalain ko bang anlapit na pala sa tunay nyang pangalan. Heins... Perfect. Napangiti ako parang gusto ko tuloy isipin na meron talaga kaming connection. Hay, ano ba yan maipilit lang.

"Natulala kana dyan. Wala kasing nagkakagusto sa'yo kaya ayan na obsessed ka sa isang lalaki na ni hindi ka nga sigurado kung lalaki ito." Malanding sabi ni Mario. Nagtatransform na sya.

Tiningnan ko sya ng matalim. "Anong gusto mong palabasin? At saka ano to?!" Binagsak ko sa table yung papel at tinuro yung nabasa ko sa may last part. "May 'gay capital' ka pang nalalaman ha? Kailangan ko ba yan?!"

"Hay ang hina mo naman bakla! Gusto ko lang bigyan ng emphasis ang possibility na tulad mo baka lalaki rin ang hanap nya! Kasi based on my research talamak ang kampones namin sa Germany!" Ngumuso pa ang haliparot at nakapamewang kahit nakaupo.

Parang gusto kong masuka sa idea. Bigla kong naimagine na magkikiss sila ni Mario.

Buti nalang hindi pa ako kumakain baka tuluyan na akong nasuka. Pero paano nga kaya?

Tiningnan ako ni Mario who is now fully transformed to Mary, his choice of name, and I gave him this stop-that-bullsh*t look.

"Not convinced? Why do you think he hangs out at Red's?" Pinagpipilitan talaga nyang sisters sila.

"To feed his mind of course!" Papilosopo kong sagot.

"Or to feed his secret desire?" Ngumanga pa ito sabay pikit. Perfect chance.

Sinampal ko sa pagmumukha nya ang isang plastic folder na nasa table ko. "Aww! My beautiful face!" Hinawak-hawakan pa nito ang pisngi nya na para namang may madadamage.

"Secret desire?! Sa bookshop?! Baliw ka ba?" Sumandal ako sa upuan ko. Tumingala at nagsimula na namang mangarap. "Baka naman like me bookworm din sya!" Parang lalo ko tuloy syang naging crush ano ba yan kinikilig na naman ako.

"Itigil mo na nga yang kapapantasya mo! We all know that Red's is a bookstore slash cafe and at night transforms to grill slash pub slash bar and my kampones frequent that place. Gets?" Nginusuan nya ako. "At hindi ka naman bookworm! May bookworm bang isang libro lang ang binabasa! Sabrina pa! Ikaw yung book worm na literal! Uod!"

"Tse! Yung mga book worm naman nakatira lang sa isang book ah! Dun kaya nanggaling yung salitang yon!" Titigil na sana ako pero may naalala ako. "Hoy! Hindi yon bading, mga tulad nyo lang ba pumupunta dun?!"

Ang alam ko pumupunta din dun ang evil half-sister kong si Rachel, na tulad ko panganay din pero hindi sya samin nakatira sa Mommy nya, na ipinagpapasalamat ko naman.

"Mostly. Ibig sabihin more than 50% saka I saw him talking to Red, they must be close.. there must be something.." Hinimas himas pa nito ang baba nya isimo'y tunay na detective.

THE WEDDING DRESSWhere stories live. Discover now