TITTLE: LARO NG MGA BATA
GENRE: random
AUTHOR: YoursTruly
"Ate! Ate ! laro tayo nina mimi!!" bigalng paggising sakin ng kapatid ko habang niyuyug-yog ang balikat ko...
agad kong inalis ang kamay nya.. inaantok pa ako... alas dose na nang madaling araw!!
" Ayoko!! matulog ka na nga!!! gabi nah oh at sigurado akong tulog narin sina mimi neto!" ani ko habang pilit kinikontrol ang boses para hindi magising sina mimi at papi sa kabilang kwarto
" Pero ate! gusto kong maglaro!"
" edi maglaro kang magisa moh!!"ani ko saka nagtalukbong na agad inalis nang kapatid ko kaya sinamaan ko ito nang tingin. hindi ito nagpaapekto... tila naiiyak na tumingin ito sakin kaya agad akong napasuko..
Bumaba ako mula sa kama.. naka pajama pa kami... hawa-hawak ko ang malilit nyang mga kamay habang binabagtas ang daan papunta sa isang kwarto sa dulo nang hallway...
Binuksan namin ang pinto at binuksan ang ilaw... agad tumambad ang isang napakalinis na kwarto... puno nang mga laruan at mga libro....
Nakarinig ako nang iyak... parang nasa malapit lang... tiningna ko ang kapatid ko...
Nakatingin lamang ito sa isang direksyon... Tila may kung ano sa mga mata nito na lagi kong nakikita sa kanya sa tuwing pumupunta kami sa kwartong toh...
Sa isang gilid... Naroon si mimi at papi... Pilit pinapatahan ni papi si mimi habang hawak nito ang isang frame at laruan... Napaiyak ako... Napatingin sa kapatid kong may luhang umaagos sa mga mata nito...
" Ate.... sana mapanatag na po ang loob nyo.... " Niyakap ako nito ngunit parang may maliwanag na usok lamang na naka- pagitna sa amin na hindi ko inalintana...
"Thank you again, bunso... I'll surely rest in peace"
YOU ARE READING
LIBRO NG MGA DAGLI
RandomLibro ng mga dagli.... mga gawang nagsimula sa pagbabasa ng isang libro na may 100 dagli ni EROS ATALIA na hiniram ko pa sa sub- adviser (kung sub nga ba o occupant na sa room) namin dahil lang sa pagka bored sa kakulangan ng mga librong binabasa n...