PATAYAN SA AMIN

1.8K 11 0
                                    


TITTLE: Patayan Sa Amin
GENRE: Thriller


"Naku!Laganap na naman ang patayan ditto sa atin! Kung hindi mga lassengo ang namamatay eh ang mga nakakaawang kabataan naman!"


"Oo nga Ate Eda! Kaya kayong mga bata, wag na kayong gumala gala pa sa gabi! Lalo na't mga babae pa naman kayo, kung ayaw nyong magaya sa kamamatay lang na anak nang Mang Antonio nyo!!" bigay babala ni Edwardo sa dalawang anak matapos sumang-ayon sa nakatatandang kapatid.


"Opo 'tay! " ani ng dalawang bata sa ama saka may kakaibang kislap na nagtinginan sa isat- isa.


"O sya! Halika na! Baka mahuli pa tayo sa meeting sa munisipyo! Mga bata, dito na muna kayo sa bahay ha? Wag na kayong lumabas at aalis na kami.Edwardo. Tara na."


"Ingat po kayo 'tay, tiya Eda!" kumakaway na sabi ng dalawang bata sa papaalis na ama't tiyahin.Matapos masiguradong wala na sila ay nagtinginan ang dalawa. Ang kaninang TAKOT sa mukha ay napalitan ng kakaibang ngiti na kanina pa pinipigilan. Pumasok ang dalawa sa kwarto. Mula sa kama ay may hinugot na bagay na nakabalot sa telang may pulang mansta. Inalis nila ang balot. Tumambad ang isang patalim. Nagkatinginan na naman ang magkapatid. HANDA NA NAMANG PUMATAY NANG MAKAKASALUBONG SA DILIM NG GABI.HANDA NA NAMANG MAGLARO ANG DALAWANG BATA GAMIT ANG HAWAK NA PATALIM.

LIBRO NG MGA DAGLIOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz