TITTLE: DAAN NG DILIM
GENRE: Thriller
Madilim ang paligid. Para akong bulag kung hindi lang dahil sa ilaw ng motor ko.Puro nga puno ang nadadaanan ko.Wala pang kain. At tanging ang tunog ng makina ng motor nalang ang umaalingawngaw sa daang hindi ko alam kung papunta saan, nang may mailawan ang motor ko. Isang magandang babae sa gilid ng daan. Para itong takot na kahit ako ang nasa lugar nya ay ganun din.
Napagisipan kong isabay nalang sya papunta sa pinakamalapit na bahay para sana makapag tanong- tanong ng daan papunta sa pinakamalapit na bayan. MIKA raw ang kanyang pangalan nang tanungin ko matapos magpakilala. Pina-angkas ko ito. Pinakapit sa bewang bago ko pinatakbong muli ang motor. Sa pagdaan ng mga oras ang puro kwentuhan lang kami.. Nang sa di kalayu-an ay may nakita kaming tila lumang bulletin board.. Napatigil kami't baka makatulong ito sa pagka ligaw namin. Pina-ilawan ng ilaw ng motor... na ikinagulat ko..
Pinatakbo kong muli ang motor. Palayo sa bagay na iyon. Kung saan... NAKA DIKIT ANG PICTURE NAMIN NI MIKA NA 30 YEARS NA PALANG NAWAWALA....
![](https://img.wattpad.com/cover/200872696-288-k872468.jpg)
CZYTASZ
LIBRO NG MGA DAGLI
LosoweLibro ng mga dagli.... mga gawang nagsimula sa pagbabasa ng isang libro na may 100 dagli ni EROS ATALIA na hiniram ko pa sa sub- adviser (kung sub nga ba o occupant na sa room) namin dahil lang sa pagka bored sa kakulangan ng mga librong binabasa n...