PROLOGUE

1 0 0
                                    

*palengke*

"hoy tarantado ka ah"

Sabay suntok sa isang lalaki na ikinatumba nito. Agaran din namang tumayo ang lalaki at tinulak ang sumuntok sa kanya

"gago ka ahh sino ka ba" sigaw naman ng lalaki na nasuntok

Unti unti gumuhit ang nguti sa labi ko ng makita kong unti unti na ring dumadami ang nakiki osyoso padami ng padami ang mga nanonood sa awayan kaya lumapit na ako dahil may napansin wala pakeelam sa nangyayaring kaguluhan

"hala anong nangyayari! Awatin nyo!" sigaw ko, sabay kuha ng pitaka ng babae sa bulsa nya

Patuloy sa pag aaway ang dalawang lalaki unti unti ding sumisikip ang lugar kung saan sila nagaaway may mga sumisigaw na awatin ang iba naman kumukuha ng video at litrato

" Awatin niyo na!! " sigaw ko habang patuloy sa ginagawa ko wala manlang sila kaalam alam na dahil sa pagiging chismoso at chismosa nila ay may nawawala na sa kanila

*prrrrrttttt* isang malakas na pito mula sa barangay tanod na pumukaw ng atensyon ko habang sinusubukan kunin ang wallet ng lalaki sa harapan ko

"anong ginagawa mo?!" sabi ng lalaki sabay hawak sa kamay ko na hawak ang wallet niya

Agad akong nag pumiglas at hinila ang wallet niya sabay takbo kaya hindi ko naiwasan na makuha ang atensyon ng mga tanod lalo na at sumigaw ang lalaki ng magnanak

Binilisan ko pa ang takbo tatlong tanod ang humahabol sakin. Ang akala naman nila may magagawa sila

Lumiko ako sa sikreto kong daanan papunta sa sa kabilang kanto ng makalusot ako ay hindi ko namalayan ang umaandar na kotse at kamuntikan pa akong mabangga

Tumungo ako bilang pag hingi ng tawad kung sino man ang nagmamaneho nitong kotseng ito

Ang buong akala ko ay bubulyawan ako nito pero pagkaatras ko ay pinaandar na nito ang sasakyan

"big time" saad ko at naglakad na pero damang dama ko ang hingal at pagod kaya naupo ako sa gilid ng kalsada at napatingala sa langit

Medyo makulimlim at mahangin ang sarap sa pamiramdam parang napakapayapa at ang ayos ng lahat

Sanay na sanay na ako umarte simula bata ako ay isa na ako sa mga artista ng kalye pagnanakaw ang bumubuhay sakin pero umaasa pa din ako na balang araw magbabago ang takbo ng buhay ko hindi ko ginusto maging kriminal pero sa sobrang hirap ng buhay ay dito ako nauwi

Ako Si Sahara Delgado, labing siyam na taong gulang isang magnanakaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE THIEFWhere stories live. Discover now