Unang Kabanata

45 2 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa isang araw na karaniwan lang. Nasa trabaho ako at late na namang nakapasok.

Nagkakape habang tutok na tutok ang tingin ko sa gf ko. Hindi ko sya kayang mawala kaya inaalagaan ko sya. Lagi kaming magkasama, maghapon, minsan magdamagan pa nga. Kapag tinotopak pa nga sya nagmamakaawa ako sa kanya kulang na lang lumuhod ako sa harap nya. Sya ang pinakamamahal kong gf... Ang aking computer.

Gf na tao? Wala ako nun. Well, nagkaroon na din naman... noon. From as short as months lang to as long as years. Yes, I had a very serious relationship before that lasted for 6 years. Kulang na lang kasal. Until I cheated, na naulit ulit ulit. Parusa na din siguro sakin na after that, all prospected relationships I will have end up being a relationshi*.

Nakakasawa na din na pagkatapos ng isa, sasabihin ko ayoko ko ng magmahal, last na un. Tapos ayan na naman si kupidong sala pumana. Nakakabadtrip na nakakakilig... Nakakakilig na nakakabadtrip. Yan ang pakiramdam kapag nainlove ka na naman pagkatapos mong sabihing ayaw mo na. And that's what I felt when she entered our office.

"Guys, this is Ms. Rico and this is Ms. Dy. They are our new interns. Take care of them and teach them well the ins and outs of our industry," sabi ng boss namin.

"Hi po!", sabay na bati ng dalawang intern with matching vow. Mga Japanese kaya sila? Dy ang surname ni miss tangkad eh. Chinita with long hair and long legs. Pwedeng model. Sexy in short.

Pero hindi ako sa kanya napatingin, sa kasama nya. Chinita rin si Ms. Rico and long hair. Pero mas maliit sya kay Ms. Dy. But there's something with her na napatitig ako. (Hindi tinga sa ngipin, muta sa mata o tagihawat sa ilong ha). She's so simple. No make up, no accessories, modest plain colored dress, hindi revealing. Kung sisipatin ko ngang mabuti tingin ko boyish to. Pero ano to??? Bakit ako kinakabahan?

"Ace, kinaya mong maging single, walang niligawan, walang nagugustuhan at walang nagiging crush for more than a year and counting! Anong kalokohan to?!" Sinisigawan na ako ng sarili ko.

"Ba malay ko," sinagot ko din naman sarili ko, kawawa naman baka magtampo kapag hindi pinansin.

"Please, kung talagang hindi na mababagong dito sila mag-iintern, wag naman sana sakin i-assign si Ms. Rico... I'm not yet ready," pakiusap ko sa mga alikabok sa keyboard ko.

"James, you'll teach Ms. Dy,"

"Yes! Kay James inilagay si Ms. Dy so ibig sabihin kay Clara or kay Kiko iaassign si Ms. Rico kasi sila katabi nya. Hindi naman sila paghihiwalayin diba?" Tuwang tuwa kong naisip.

"And you Ms. Rico will be with..."

"Pabitin naman tong boss namin. Sabihin mo na Clara o Kiko."

"...Mr. Romulo."

"Huwat?!" Napasigaw utak ko pero nasabi ko na lang, "Ha? Sakin po?"

"Hello po. I'm Gwen Rico po. Nice to meet you po kuya," Nilapitan nya agad ako at gusto pang makipagkamay.

Wala ng magagawa. Hindi naman ako pwedeng magreklamo, dahil anong sasabihin ko bakit ayaw kong ako magturo sa kanya db?

Babe (computer), wag kang magseselos ha. Katabi ko lang sya pero trust me, ikaw lang gf ko. Kasi ikaw subok ko na. Sa hirap at ginhawa magkasama tayo. Kahit pareho tayong walang tulugan, walang bumibitaw satin. Kahit tinotopak ka minsan, pero hanggang ngayon nanjan ka pa rin. Walang iba para sakin, ikaw lang.

Nakapagdecide na ako. Pipigilan ko tong bigla kong naramdaman kanina at isasarado kandado ko. Tuturuan ko lang sya at after ng internship nya aalis din sya kagad.

Salubungang Daan Where stories live. Discover now