Prologue (Panimula)

44 2 0
                                    

"Your Grab driver is 5 minutes away."

Nagnotify na ang Grab. Malapit na pala yung nabook ko.. nagmamadali ko tuloy inubos ang kape. Sakto paglabas ko ng bahay kakarating lang nya.


"Boss good morning! Sir Ace?" Bati ng driver ng Elantra na binook ko.

I'm Ace Romulo, co-founder ng isang group of Video Editors and Graphic Artists. Dream namin makilala just like ILM. If you are dreaming, why not dream big diba? Hopefully we'll have a big break soon.

"Oo boss." Maikling sagot ko na lang sa driver pero nakangiti naman sabay thumbs up. Good mood ako eh kahit Monday ngayon, ewan ko ba pero parang magiging masaya ang araw ko....

Pero akala ko lang pala. Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakaupo, tanaw ko pa nga yung bahay namin sa side mirror eh, ng biglang tumugtog sa radyo...

Ikaw na pala

Ang may-ari ng damdamin
ng minamahal ko


(Kaya nasisira araw ng mga tao eh, umagang umaga ang emo ng kanta, putlong na yan!!!)

Pakisabi na lang

Na wag ng mag-alala at ok lang ako


(La la la ok lang ako... matatapos din kagad yang kanta)

Sabi nga ng iba

Kung talagang Mahal mo siya ay hahayaan mo

Hahayaan mo na mamaalam


(Ano yun patay na? "Magpaalam" Sir Michael Dutchi Libranda)

Hahayaan mo na lumisan, ooh...


(Sino nagsabi? Paglaban mo kung mahal mo!)

Kaya't humihiling ako may bathala

Na sana ay hindi na siya luluha pa


(Ikaw tong nagpapaluha eh..)

Na Sana ay hindi na siya mag-iisa

Na sana lang...


(Sana mawalan ng signal ung radyo.. please!!!)

Ingatan mo siya

Binalewala niya ako dahil sayo


(arggggghhhh)


Nawalan na ng saysay ang pagmamahal

Na kay tagal ko ring binubuo

Na kay tagal ko ring hindi sinuko


(Wala na, suko na ako... naalala ko na naman lahat... Lahat lahat)

Binalewala nya ako dahil sayo, dahil sayo.


(Dahil sayo umiiyak ung puso ko, bwisit kang kanta ka!)

Heto ng huling awit na kanyang maririnig

Heto ng huling tingin na dati siyang kinikilig

Heto ng huling araw ng mga yakap ko't halik

Heto na, heto na...


(Heto na... wahhh.. doobidoobidoo bidoo bidoo... doobidoobidoo bidoo bidoo bidoo wahh)

Pinilit kong patawanin sarili ko habang tumutugotog yung kanta sa radyo pero walang epek. Yung magandang mood ko kanina, kahit ung mga nakaraang araw pa, nawala na. And I found myself singing silently those lines. Medyo naluha pa ako sa part na:

Nawalan na ng saysay ang pagmamahal

Na kay tagal ko ring binubuo

Na kay tagal ko ring hindi sinuko...


Naalala ko kasi ang isang babaeng nagpatibok ng puso ko, at dumurog sa hindi ko inaasahang paraan.

Salubungang Daan Where stories live. Discover now