Elaine

14 0 0
                                    

Nagising ako sa alarm ng isa kong cellphone. Alas 6 ng umaga ang palagi kong set na oras. Bumalikwas ako sa higaan at binuksan ang bintana. Mataas na ang sikat ng araw. Tiningnan ko ang kabuoan ng aking maliit na Apartment. Pagbukas mo ng pinto ay may maliit na kusina at sa harap ng kusina ay isang maliit na kama na syang higaan ko. May  katamtamang laki ng aparador na may salamin at upuan sa harap. Sa gilid naman ay isang toilet.

Lumabas ako at pinagmasdan ang kapaligiran. Napakapayapa. Ang simoy ng hangin sa probinsya. Mga luntiang punongkahoy at mga makukulay na bulaklak. Ang apartment na nirerentahan ko ay pag mamay ari ng isang Barangay Kapitan dito sa Barangay Manukan, Zambo del Norte na si Kapitan Raul. Isa nga pala akong guro. Grade 5 teacher sa Mayatas Elementary School. Mag 6 months pa lang ako nagtuturo dito. Galing ako sa isang paraalan sa syudad at na tranfer dahil sabi ng superentindent ko, kailangan pa ng isang guro dito.  Hindi ko namamalayan na gusto ko na pala magturo dito kahit sa buong buhay ko pa. Nakakagalak ng puso turuan ang mga bata na nakatira ditu na malayo sa teknolohiya at mga masisipag pa sa gawain di lamang sa bahay pati na rin sa gawaing bukirin. Ako man din ay natututo sa kanila.

Bumalik ako sa loob at nagtimpla ng kape. Ito ang routine ko araw araw. Gising ng alas 6. Magmumuni sa labas ng ilang minuto, babalik sa loob at magkakape at mag re review ng mga lesson ko sa lamesa. Napatigil ako sa aking ginagawa at biglang naalala ang aking panaginip.

'Bakit ko ba sya palaging napapanaginipan?' bulong ko sa aking sarili. Tumayo ako at dumeretsu na sa banyo para maligo.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 15, 2019 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

IfDonde viven las historias. Descúbrelo ahora