1st

24 0 0
                                        


"You're a big disgrace to this family."

"I don't have a son like you."

"From now on, you're no longer Del Luna."

"I don't wanna see your face again."

"Step foot into this house and you're dead."

"Did you really think I love you?" Laughs. "I just used you."

"No one will ever love you. A failure like you don't deserve happiness."

"Don't call me Mom. I don't know you."

"Ha? Who are you calling brother? I don't remember having a brother. Especially a broken man like you."

"You will forever be alone."

"No one will ever save you."

Minulat ko ang aking mga mata. Para lamang salubingin ng galit na mukha ng isang matandang lalaki habang sinisipa ang binti ko.

"Tumayo ka dyan! Sinong nagsabi sayong pwede kang matulog dito sa tapat ng shop ko? Lumayas ka dito! Malas ka sa negosyo." Sabi nito na patuloy pa rin ang pagsipa sa akin. Dahan-dahan akong umupo. Patayo pa lang ako ng muli niya akong sipain sa balikat. Sa lakas ng pagkakasipa niya ay napadapa ako sa gilid ng kalsada. "Bilisan mo! Magbubukas na ko ng shop, ayokong maabutan ng mga customer ko na may palaboy dito." Isa pang malakas na sipa. "Layas!"

Bagamat nanghihina ay agad ako tumayo dala ang bag ko. "Huwag ka ng babalik dito! Subukan mo lang at hindi ka na sisikatan pa ng araw! Buwisit!" Malakas na sigaw ng matanda bago padabog na pumasok sa kanyang shop.

Sana nga. Sana nga hindi na lang ako muli pang sikatan ng araw.

Masakit ang buo kong katawan. Kagabi ay may nakaaway na naman ako. Pinagtulungan nila ako ngunit di ako lumaban. Kinuha nila ang natitirang pera sa wallet ko. Dahil din doon kaya nawalan ako ng malay sa mismong harap ng shop nung matandang lalaki.

Gusto kong masaktan. Sa dalawang taon kong pamumuhay sa kalsada, wala akong maramdamang kahit katiting na emosyon. Nasasabi ko lang na humihinga pa ko kapag nasasaktan ako. Manhid, hindi lang sa pisikal kung di pati ang buong pagkatao ko.

Naglakad ako patungo sa ilalim ng tulay. Dun ako natutulog, ang ilalim ng tulay ang siyang nagsilbing tahanan ko. Umulan man o umaraw yun lang ang nasisilungan ko.

Pagkarating ko dun, nagtipon na naman ang mga basura. Malinis sana ang ilog dito ngunit dahil sa mga basurang tinatapon ng mga tao na nakatira malapit lang sa tulay ay nagiging marumi na ito.

Dinampot ko ang maraming sako at supot ng basura. Dinala ko ito sa pwesto ko dito. Sa pinakagilid, nandoon ang papag na tinutulugan ko. May mga tuyong dahon pa na hinangin dito. Pinagpagan ko ito, at hinawi lahat ng tuyong dahon. Umupo ako at sumandal sa dingding. Hinatak ko ang isang sako sa tatlong sakong nakuha ko kanina. Tinanggal ko ito sa pagkakatali at tinapon ko ang laman sa harapan ko.

Sinimulan kong ihiwalay ang mga lata gayundin ang mga plastic bottles, mga CD's at iba pang maaaring ibenta sa Junkshop. Gayundin ang ginawa ko sa ilan pang sako at supot na nakuha ko. Pagkatapos ay muli kong binalik sa mga sako ang natirang kalat. Ang mga ibebenta ko naman ay nilagay ko din sa nakabukod na sako.

Tumayo ako at hinatak ang mga sako ng basura patungo sa tamang tapunan nito. Na-segregate ko na din ito kaya naman itinabi ko na lang ito sa garbage bin na nandun. Siguro mamaya o bukas ay may truck na ng basura na kukuha nito.

Kumalam ang sikmura ko. Napahawak ako dito. Siguro ay nasa 9:00 pa lang ng umaga pero nagugutom na ko dahil hindi ko na din nagawa pang kumain kagabi.

Bumalik ako sa pwesto ko. Pinasan ko sa balikat ko ang sako na naglalaman ng mga ibebenta ko sa Junkshop.

Nagsimula akong maglakad. Kahit na sobrang nabibigatan ako sa pasan ko at sa paminsan-minsan na pagsakit ng katawan ko ay ininda ko na lamang ito.

Nang makarating ako dun, kakabukas lang din ng shop na pagmamay-ari ng isang matandang babae. Sa pagkakaalam ko ay wala siyang asawa at mag-isa lang na naninirahan.

Pumasok ako sa loob. Wala pa yung ibang mga tauhan ni Nanay. Siya lang ang naabutan kong nakaupo doon habang nagbabasa ng dyaryo. Lumapit ako kay Nanay at ibinaba ang sakong dala ko.

Napataas ng tingin sa akin ng matandang dalaga at nginitian ako. Sa dalawang taon kong mag-isa siya lang ang tumuring sakin ng mabuti. "Hijo, napaaga ka yata ngayon." Yumuko ako at marahang tumango. "Oh siya, timbangin na natin yang dala mo. Mukhang marami ka ding nakuha ngayon." Tumayo siya kaya't sinundan ko siya papunta sa timbangan.

"Ah, mabuti pa'y ihiwa-hiwalay mo ang mga bote, lata at CD's o kung ano pang nakolekta mo. Titimbangin at p-presyuhan ko sila depende sa timbang. Bukod-bukod."

Dali-dali kong binuksan ang sako at mabilisang tinipon ko ang mga ito ayon sa sinabi ni Nanay. Pagkatapos ay tinimbang na namin ito. Umabot ng 30 pesos ang mga bote, 50 pesos naman sa mga lata, sa CD's ay 60 pesos at ang iba pa ay nasa kulang-kulang 50 pesos din. Nagkakahalaga ang lahat ng ito ng 190 pesos. Natuwa naman ako doon, ito ang unang beses na umabot ng ganung kalaking halaga ang mga nakalakal ko.

"Oh ito hijo." Inabot sa akin ni Nanay ang perang nagkakahalagang 250 pesos. Pagkakita ko pa lamang dito ay tinanggihan ko na. Umiling ako at yumuko. "Tanggapin mo na. Reward ko yan dahil masipag ka. Ito na lang ang maitutulong ko sayo, hijo. Sana naman huwag mo ng tanggihan pa." Napaangat ako ng tingin. Nakangiti siya sakin at parang hinaplos no'n ang puso ko. Kaya kahit na nahihiya ay marahan kong tinanggap ang pera. At yumuko dito biglang tanda ng pasasalamat. Hinawakan ni Nanay ang buhok ko at marahang hinagod. "Napakabuti mong bata. Hindi mo dapat nararanasan 'to. Kung pumayag ka lang sanang dito na lang tumira ng sa gayon ay hindi ka nag-iisa sa lansangan at may maayos kang matitirhan." Umiling ako dito. Mahinang tumawa ito. "Alam kong hindi ka papayag. Oh siya, mag-ingat ka lagi. Bumalik ka dito kapag may nakolekta ka ulit na kalakal."

Tumango ako at tuluyan ng lumabas doon. Ilang beses na akong inalok ni Nanay na tumira sa kanila dahil naaawa siya sa kalagayan ko. Pero, ayokong may madamay pa sa pagiging miserable ng buhay ko. Sapat ng ako lang ang nakakaranas nito. Sapat ng ako lang ang maghirap.

Sumunod akong pumunta sa malapit na karinderya. Um-order ako ng isang kanin at ulam. Pinabalot ko na lang ito, dahil ramdam ko ang disgusto sa tingin ng may-ari ganundin ng mga kumakain dito. Ayaw nila ako dito.

Pagkaabot ko ng bayad at pagkakuha ng in-order ko ay umalis na din ako dun. Dumiretso ako sa ilalim ng tulay. Agad kong kinain ang mga binili ko at uminom ng tubig sa malapit na sapa, malinis ang tubig dito kumpara sa ilog. Bitbit ko ang bag ko na naglalaman ng mga damit ko. Saglit akong nagbanlaw ng katawan at nagpalit ng damit.

Bumalik ako sa ilalim ng tulay. Bago ko pa makalimutan ay kinuha ko ang natirang pera mula sa napagbentahan ko kanina. Pumunta ko sa parte ng tulay kung saan may lupa. Hinukay ko ito gamit ang tangkay ng punong kahoy, hanggang sa makita ko ang tinago ko ditong malaking lata. Inilabas ko ito at inihulog doon ang perang nakuha ko mula sa pagsisikap sa butas na ginawa ko dito. Halos mapuno na ang lata ng mga barya at perang papel. Iniipon ko ito para sa pag-aaral ko. Kapag tuluyan ko ng napuno ito ay saka ako maghahanap ng eskwelahang mapapasukan ngunit may partikular na unibersidad na akong nais pasukan.

Napangiti ako. Konti na lang, makakapag-kolehiyo na din ako.

Binalik ko ang lata sa hukay at muli itong tinabunan ng lupa hanggang sa hindi ko na ito makita. Tumayo ako at nagpagpag ng damit. Oras na para mag-ikot sa syudad at mangalakal. Mula sa bag ko ay kumuha ako ng sako.

Sa buong magdamag ay pangangalakal lang ang ginawa ko.

Kahit mapagod sa insulto ng mga tao bilang pulubi at paglalakad, hindi ako huminto.

Isa na lang ang dahilan kaya nagpapatuloy ako.

Ang pangarap ko.

GOD BLESS! ^^

He Who Needs SavingWhere stories live. Discover now