Chapter 12 - New beginning

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nakikita ko naman ang picture ng mga bata kapag nagpapadala si Mama sa post office ng cards and letter. And sometimes nagse-send din siya ng Pinoy goodies sa akin. Sinisiksik niya doon ang mga pictures ng mga bata."

Sandaling tumigil sa pagsasalita si Mia upang humigop ng kape. "Saka, lagi ko naman silang nakakausap kapag tumatawag ako. Isa pa, once a year naman dumadalaw dito sina Mama. Kaya nababalitaan nila ako ng nangyayari dyan. Kayo ba ni Delmond kumusta na? Na-miss ko kayo, sobra! Sana nandito kayo," dugtong na paliwanag niya at pangungumusta habang kumakain ng agahan. Maya-maya lang ay papasok na siya sa trabaho.

"Okay lang naman kami bes, magaganda pa rin na gaya mo. Oi, na-miss ko yang timpla mong kape bakla," nakangisi na sagot ni Ella. "Nasa company pa rin kami ni baks. Pero ako bestie, ikakasal na kay jowa next year, at wag kang mawawala ha. Uuwi ka, ipangako mo yan! Abay kayo ni baks at ikaw ang bridesmaid ko. Kaya wag kang tatanggi dyan bakla ka! Kasi, magtatampo talaga ako sayo," masayang balita at babala nito.

"Titingnan ko bestie ha. Pero hindi ako nangangako," diretsahang sagot naman niya dito.

"Ano ka ba naman bestie i-save mo na ang araw na yun. Sa October pa naman yun ng next year. Ano pa lang ngayon December pa lang, Ateng. Nakakagigil ka naman e!" kunwari'y nagtatampo pa ring sagot nito. Sabay itinaas pa ang kanang kilay. Kaya napangisi si Mia sa inaasal ng kaibigan.

"Basta, pag-iisipan ko!" nakangiting sagot niya. "By the way bes, salamat pala sa inyo ni baks ha. Palagi n'yo raw ipinapasyal ang mga bata," dugtong pa niya at sinserong pasasalamat.

"Ano ka ba, no worries. Parang anak na rin namin ang mga anak mo 'no! At yung si Jana, napakagandang bata, daig pa si Kathrine Bernardo sa ganda. Pwedeng-pwedeng artista, bes!" masayang sagot at puri nito na halatang-halata na hangang-hanga sa anak niya.

"Sira! Hindi artista ang pangarap nun, mag-aabogado daw siya!" pagmamalaki niya dito.

"Sayang naman, ang gandang bata eh! Pero bestie, buti na lang talaga at naisip mong mag-Facebook ulit ano. Akala ko talaga kakailanganin ko pang pumunta ng post office para mag-send ng wedding invitation sayo. Grabe ka talaga girl, dinaig mo pa ang tao noong dekada sitenta. Through post office pa talaga ang communication n'yo Nanay Meding ha, e uso naman ang internet!" biro nitong natatawa.

Nginisian lang naman ito ni Mia. Mas gusto kasi niya ang tahimik na buhay habang nagmo-move on. Kaya inalis niya sa sistema niya ang social media mula nang mamatay si John.

"Siguro may nagpapatibok na ulit sa puso mo ano? Di ba kaya ka nag-FB uli noon dahil napatibok ni Papa John ang puso mo?!" pabirong dugtong at usisa pa ni Ella habang kumukurap-kurap ang mga mata dahil excited sa anomang ibabalita ni Mia.

"Wala, ano ka ba! Kasi itong si Yu, palagi na lang ako kinukulit na mag-Facebook na daw ako. Kasi gusto daw nilang magkapatid na makita ako araw-araw sa video call," mabilis niyang sagot.

"Hay, buti na lang nagpapilit ka sa anak mo. But in fairness bestie, ang ganda-ganda mo pa rin hanggang ngayon. Di halata na puro trabaho lang ang inaatupag mo dyan!" masayang puri nito sa kanya.

"Salamat bakla, pero wag mo na akong bolahin pa. Kasi hindi pa talaga ako uuwi dyan. Wala pa sa plano ko yan," birong sagot niya sabay ngiti kay Ella dahil bigla itong sumimangot.

"Sige na bestie, uwi ka na please!" kumbinsi pa rin nito pero tinawanan lang ito ng kausap.

"Paano bes, kailangan ko ng mag-log out ha. Papasok na ako sa trabaho. Umuulan kasi ng snow ngayon, kaya kailangan kong umalis ng mas maaga," paalam na niya sa kaibigan. Pero pinakita muna niya kay Ella ang falling snowflakes sa may binatana bago nagpaalamanan ang dalawa ng tuluyan.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon