SPECIAL CHAPTER (Part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sana masaya kayong magkakasama lahat kung nasaan man kayo ngayon. Wag kayong mag-alala ayos lang kami dito. Malaki na ang tiyan ko. Ilang buwan na lang lalabas na ang unang apo at pamangkin niyo. Pangako pipilitin naming panatilihin na masaya at ligtas ang buong pamilya namin ng sa ganoon ay hindi kayo mag-alala pa samin. Lagi kong ipapaalala sa anak ko kung gano sila kamahal ng lolo, lola at tita nila. Alam ko kasing kung nabubuhay pa kayo mamahalin niyo din siya katulad ng pagmamahal niyo sa akin. Patawad kong hindi ko man lang naipadama at nasabi kung gaano ko kayo kamahal at importante para sakin. Ibubuhos ko lahat ng pagmamahal na hindi ko naipadama at nasabi sa inyo noong nabubuhay pa kayo sa pamilya bubuohin namin ni Ash. Alam kong kahit wala na kayo alam kong lagi lang kayong nakamasid at handa kaming gabayan at protektahan sa lahat ng oras katulad ng palagi ninyong ginagawa. Mahal ko kayong lahat." sabi ko at naramdaman kong lumakas ang hangin di ko alam kung bakit nakaramdam ako ng init at tila ba niyayakap ako ng hangin. Para bang nandito silang tatlo ngayon at niyayakap ako para ipadama kung gaano nila ako kamahal katulad ng lagi nilang ginagawa. Di ko napigilan na tumulo ang luha ko.

Naramdaman ko naman na may biglang yumakap sakin mula sa likod at kahit hindi ko siya lingunin alam kong siya ito. Yakap niya pa lang kilalang-kilala ko na. Nakapulupot ang braso niya sa ibaba ng dibdib ko.

"Don't cry. They won't be at peace and be happy if they'll see you cry. Kakapangako mo pa lang na magiging masaya tayo pero wala pang isang oras umiiyak kana." sabi ni Ash

"I just missed them so much," sabi ko

"Okay but stop crying. It's bad for our baby. Don't stress yourself too much. Baka mamaya maging iyakin ang panganay natin." sabi ni Ash

"I'm being emotional because of my pregnancy as if I can do something with it." sabi ko

"I know that's why I understand you. Magpaalam na tayo sa kanila alam mo namang ito na ang huling araw na binigay nila para magkasama tayo dahil bukas bawal na tayong magkita dahil kinabukasan nun ay kasal na natin. Bakit kasi nagpapaniwala sila sa mga pamahiin? As if namang hahayaan kitang mawala sakin." sabi ni Ash.

"Wala namang mangyayari kung hindi natin makikita ang isa't-isa ng isang araw. Walang mawawala kung maniniwala tayo." sabi ko

"Meroong mangyayari. I'm going to miss you to death. I love you so much.. Ilang segundo nga lang na mawala ka sa paningin ko pakiramdam ko mababaliw na ako pano pa pag isang araw? Baka mamatay na ako sa pangungulila sayo," paghihimutok ni ash minsan di ko alam kung sino ba talaga ang buntis saming dalawa eh

"Shut up, Ash. Ang korny mo. Tara na nga!" inis na sabi ko tas humarap sa puntod nila.

"Ama, ina, mira paalam na. Hayaan niyo sa susunod na pagdalaw ko sa inyo ay sisiguraduhin kong magtatagal na ako. Pasensiya na kung ngayon na lang uli ako nakadalaw may isa kasing ubod ng paranoid dito sa tabi ko. Hayaan niyo po kapag nakapanganak na ako ay dadalas-dalasan ko na ang pagdalaw sa inyo at dadalhin ko po ang apo ninyo ng sa ganoon ay makita niyo siya." sabi ko

"Salamat. Lubos akong nagpapasalamat sa inyo malaki ang utang na loob ko sa inyo dahil binantayan at prinotektahan niyo si akisha noong mga panahong wala ako sa tabi niya. Wag po kayong mag-alala poprotektahan ko po ang pamilya ko kahit na anumang mangyari." sabi ni ash kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong matiim na nakatitig sa akin saka siya ngumiti at hinalikan ako sa noo na kinapikit ko.

"Let's go?" tanong niya at tumango na lang ako

Inakbayan niya ako saka kami naglakad palayo.

ASH'S POV

MABILIS kong hinubad ang hood sa ulo ko at nilibot ang paningin ko para pagmasdan ang paligid. Ang mundo ng mga mortal ay sadyang kakaiba. Mabuti na lang talaga mga walang utak ang mga tauhan ni ama kaya nakatakas ako ng walang anumang aberya. Naramdaman kong may paparating kaya mabilis akong tumalon sa itaas ng puno at nagtago sa mga dahon nito.

Magisch Academy: The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon