Chapter FOURTEEN - HASSLE

81 9 0
                                    

 KORIN'S POV

Nilapag ko yung McFloat sa mesa at bumuntong-hininga.

Nandito kami sa may Raquenee, maliit na mall lang siya at malapit ito sa PDAcad. Nagyaya kasi sila Jane at Zee na tumambay daw muna kami dito tutal maaga kaming inawas at nakakatamad naman daw kung dederetso agad kami sa aming mga bahay.

Naalala ko yung sinabi sa'kin ni Mich nung araw na yun at kanina, totoo ba talaga ‘yun?

Napabuntong-hininga ulit ako. Hay, ano na bang nangyayari sa'kin?

Nakaramdam naman agad ako ng malabot na tumama sa ulo ko. Pagtingin ko sa gilid ko, si Jane pala, hinampas yung penguin na stuff toy ni Zee. Narinig kong sinaway agad ni Zee si Jane, pinagilan dahil magkakabukol daw yung baby penguin niya. Napangiti naman ako sa kakulitan nitong mga kasama kong baliw.

Nagpatuloy-tuloy silang dalawa sa paghaharutan at akala ko hindi na nila ako mapapansin. Well, akala ko lang pala talaga kasi bumalik agad sa akin ang atensyon nila.

"Yung totoo, bhe? Alin ba sa mga sinabi namin, lalo na sa sinabi ni Mich, ang hindi mo maintidihan?" medyo inis siya pero nakangiti parin siya nang nangtanong siya sa akin.

Nag-pout naman ako at umiling, "Wala. Wala naman. Pero..." Umayos ako ng pagkakaupo at tinignan siya mata sa mata, "Yun lang ba talaga 'yun?"

Kumunot ang noo niya, para bang hindi niya na-gets yung sinabi ko sa kanya. Wala akong nagawa kungdi ulitin nalang ulit yung tanong ko. "Sabi ko, 'yun lang ba talaga 'yun?"

Mukang na-gets na niya yung sinabi ko at balak pa ata nilang dalwa na magpalusot pero pinigilan ko na sila.

“Yung totoo. Yung totoo, please?”

Desperada? Hindi. Talagang na cu-curious lang ako. Ayaw ko rin namang mag mukang tanga, eh.

Kung hindi na pwede, edi itigil na. Kung walang dahilan para tumigil, bakit ititigil?  Ganun ka-simple.

Ewan. Ang alam ko lang, crush ko siya. Yun na yun. Hanggang dun lang iyon.

Pero diba nakakalungkot naman kung yung crush mo, may gustong iba? Malala pa, may karelasyon na pala. Maswerte  yung iba na gusto ng crush nila. Aba, wala silang problema. Tanga nga lang nung iba, nagmamahal ng taong may mahal ng iba. Malala doon? Yung mahal nung taong mahal niya, may mahal na iba. Aba, parehong mga tanga!

Harsh ba? Hindi rin. Totoo naman eh. Whogoat? Pede. Baka. Siguro.

Aaaaah. Ang gulo ko. Nakakainis.

“Earth to Kors, earth to Kors! Yooho~”

Napakurap ako ng maramdaman kong winawagayway sakin ni Zee yun baby kuno niya na stuff toy. Eto nanaman tayo,nawawala nanaman ako sa katinuan. Ugh

Are jokes really HALF-MEANT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon