Chapter TEN - SURVEY

106 8 2
                                    

A/N

Fail. Fail. Fail.

Ang fail talaga ng geombotics namin~! <///3 Nakakaiyak eh. Buti na lang una kami, makakalimutan agad. HAHAHA.

Eto na. Inupdate ko na para sa inyo. HAHA. Walang kwenta 'to. Swear! Tsaka, once a week na lang ako maga-update. Bumabagsak na talaga ako!

------------------------------------------------------------------------------------------------

MICHELE'S P.O.V.

Punyeta.

"Seryoso kayo sir?" Punyeta sir! Oo, minumura ko ng palihim ang mga teacher namin. Bakit kasi ako?

"Oo, may problema ba? Kinuha ko kasi 'yon sa list ng mga pinakamataas sa science sa section niyo."

"Ah sige sir."

"Packing tape!" 'Yan lang ang nasabi ko nang makaalis na si Sir. Putek talaga. Putek.

"Pfft."

Sino na naman 'yon?! Tinignan ko yung nagpipigil tumawa.

Tsk. Si Theo.

Tinaasan ko ng kilay bago ako umalis. BWISET! Nandon pala 'yon! Punyeta. Sirang sira na ang araw ko. Puuuunyeta!


KORIN'S P.O.V.

"Tara na kasi! Gusto ko nang umuwiii!"

"Atat ka no, Keigh?! Saglit lang kasi!"

"Kanina pa kayo nag-aaway! Tara na nga para matapos na 'to." Awat ko kila Keigh at Mich. Siraulo talaga 'tong dalawang 'to!

Naglakad na kami papuntang 7eleven. Maganda daw kasi kung doon kami magsu-survey. Bawal daw kasi sa loob ng school.

"Bili tayo ng Gulp ha!" –Mich

"Yun naman lagi mong binibili eh." Sabi ko.

"Masarap eh! Tara dali!"

Binilisan na naming kasi ang aatat nila. HAHAHA.

"Good afternoon, ma'am, sir."

Dumeretsyo kaagad kami sa may Gulp tapos pumunta kami sa second floor kung saan nandon ang mga tables and chairs. Umupo kami sa dulo kasi may mga taga-ibang school na sa ibang upuan.

"Sakto, may mga taga-ibang school. 'Yun na lang ang interviewin mo." Bulong sa'min ni Mich.

"Oo nga Kors. May dala ka na namang camera diba? Simulan mo na!" Pagsang-ayon ni Keigh

"Anong sasabihin ko? Tsaka nakakahiya no!" Sagot ko sa kanila.

"Ngayon ka pa nahiya? Hindi ka ba nahiya dahil bagsak ka sa VALUES?!" –Mich

"Sorry na! Mapapatawad pa ba?! Ano na nga kasing sasabihin ko?"

"Edi mag-excuse ka tapos tanungin mo kung pwede bang magtanong." –Quen

"Tapos 'pag pumayag, tanungin mo na." –Keigh

"Kapag sinagot, tanungin mo kung pwedeng ulitin yung sinabi habang vinivideohan mo." –Alfred

"Kapag hindi pumayag, sabihin mo para sa Values mo kasi bumagsak ka!" –Mich

"Sakeeet! Pagdildilan ba namang bagsak ako sa Values?!" Sama talaga nito!

Yung totoo? Nakailan na "Ang sama mo." ang nasasabi kay Mich sa isang araw?

"Dalian mo na lang!" Sabay-sabay nilang sabi sa'kin. Kawawa naman ako sa mga kaibigan ko! I'm bullied!

"Eto na, eto na!"

Sino kaya sa kanila? Uhmmm...

"Excuse me po. Pwede po bang magtanong?"

Pinili ko na lang 'yung puro dalawang babae tsaka yung kasama nilang lalaki.

"Ah, sige." –Girl 1

"Ahhhmmm." Nilingon ko muna sila Alfred. "Ah, naniniwala po ba kayo sa "Jokes are half-meant."?"

"Hmmm. Saglit lang ha." –Girl 1

"Sige lang ate! Take your time!"

"Huy, naniniwala ba kayo dun?" –Girl 1

""Jokes are half-meant." Hindi ko alam eh." –Girl 2

"Depende eh. Ikaw?" –Boy

"Siguro?" –Girl 2

"Bahala na nga." –Girl 1

"Okay na." –Girl 1

"Ay, sige po."

"Para sa akin, totoo 'yun. 'Yung mga bagay kasing hindi masabi ng tao ng deretsyo, sa joke dinadaan." –Girl 1

"Ah, ate pwede bang paulit nung sinabi ko habang vinivideohan kita?"

"Huh? Ah, pwedeng 'wag na?"

"Ah, sige lang po. Thank you po."

Sheeeeet. Bumalik na lang ako sa table namin.

"Hay nako! Pano na yung grade kooo!" Maiyak-iyak kong sabi sa kanila.

"Tsk. Maghanap nalang tayo ng iba." –Mich

"Ah, excuse me."

Napatigil kami bigla. Si Ateng Girl 1 pala.

"Para sa grade mo ba 'yun?"

"Ah, opo eh."

"Ah, sige payag na ako. Makakatulong naman pala eh."

"AY ATE! I LOVE YOU NA! THANK YOU PO!!!" Nagtatatalon na ako sa saya! YES! At least may isa na!

Vinideohan ko na si ate.

"Thank you talaga ate! Thank you, thank you, thank you!"

"Welcome!"

OMG. ONTING PUSH NA LANG!

"Uhmmm, how about we use our social networks to add some in your survey?" Alam niyo na naman kung sinong mahilig mag-english.

"Like, magtanong sa status o kaya sa chat?" –Keigh

"Yes. I think it will help a lot." -Mich

"Oo nga no? Bakit hindi natin naisip 'yon?" –Alfred

"Syempre, magaling ako eh." –Mich

"Sinasabi mo na hindi kami magaling?" –Quen

"Duh! Hindi ba obvious?" –Mich

"Leche ka!" Sabi na eh. Wala na talagang araw na walang nagsasabi sa kanya niyan. HAHAHAHA.

"Isa pang interview tapos uwi na tayo." Sinudgest ko na, gusto ko nang umuwi eh!

"Sige." Mga gusto na ding umuwi.

Naghanap na ako ng pwede. Buti naman may pumayag agad!

"Okay na guys!"

"Yes naman!"

"Bukas ulit?"

"Tara na."

"Buti naman naisipan mo pang tapusin."

"Tara na dali!"

Sabi ko nga, uuwi na. Mga excited!


MICHELE'S P.O.V.

Wala muna akong pagsasabihan nung lintek na quizbee na 'yan!

NAKAKATAMAD NAMANG MAGREVIEW EH!


KEIGH'S P.O.V.

Parang may hindi sinasabi si Mich? Baka naman guniguni ko lang.

May something talaga eh.


 KORIN'S P.O.V.

NAKALIMUTANG SABIHIN NI MICH YUNG SASABIHIN NIYA SA'KIN!

Are jokes really HALF-MEANT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon