CHAPTER 17

1.3K 34 1
                                    

Kahit maraming tsismosa diyan sa kanilang parokya ay sumisimba pa rin si Eloida. Kahit kasi marami siyang problema ay binubuhusan pa rin siya ng swerte ng diyos. Pagkatapos nga ng misa ay nakasalubong niya ang mga Church maidens at inisnab siya ng mga ito. Si Divina ay ang taas ng kilay. Nahagip pa nga niya ang salitang disgrasyada.

"Eloi!" tawag sa kanya ni Dada. "Birthday ni May bukas. Punta ka ha! Hindi ka dapat mawawala!"

"Sige!" sabi niya sabay ngiti. "Pupuntahan ko 'yan dahil aalis na kasi ako sa biyernes. Baka medyo matagal bago tayo muling magkikita."

"Bakit? Saan ka pupunta?"

"Dyan lang!"

Kinagabihan ay nagpaalam naman siya sa lalaki doon sa London na may pupuntahan siya. Noong isang araw ay pumunta lang siya sa bridal shower ng dating kasamahan na saleslady at na-tag sa facebook ay kung anu-ano na ang narinig kay Zachary sa facebook messenger. Hindi raw siya nag-iingat. Bakit daw sumasali pa siya sa mga parlor games ganoong malaki na tiyan niya. Grabe dahil nakaupo lang naman silang naglalaro ng pink na papel pero issue na. Pinuntahan niya ang bridal shower dahil napakabait kasi ni Nenette sa kanya habang nagtratrabaho siyang sales lady. Tumigil na siya dahil pinatigil ni Zachary.

"Anong oras ba 'yon at ipapahatid kita? Gala ng gala!" sabi ng lalaki sa Skype.

"Hapon. Alas-kuwatro sa Jollibee lang naman." May bago na nga siyang laptop dahil pinadalhan siya ng pera ng lalaki pangbili ng laptop dahil ang bagal ng laptop nila. Natuwa siya dahil ang bilis. Gustong-gusto niyang mag-search ng tungkol sa mga babies, tapos pinu-forward niya kay Zachary. Mukhang binabasa naman ng lalaki dahil seen ang lahat ng mga pinapadala niya.

Nang sumunod na araw ay dumating ang sasakyan nito sa harap ng bahay nila at minamaneho ng company driver ni Zachary. Hinatid siya doon sa Jollibee. Sakto namang bumaba rin ang mga Church maidens sa jeep. Tumingin ang mga ito sa kanya habang bumababa ng itim na Safari. Bumuntot pa sa kanya ang driver bitbit ang teddy bear na mas malaki pa at mas mahal kaysa kay Divina. Tuwang-tuwa naman ang bata sa natanggap.

Siya nga ang pinagtitinginan ng grupo. Wala siyang pakialam dahil inggit lang ang mga 'yan. Lahat ng mga 'yan ay naghahanap ng mauutangan at siya ay may pera na. Kitam ang babaeng inalila nila dahil nabiktima ng sex video ay may fiance visa na ngayon. Pinapangako niyang kapag dumating siyang London ay pupunuin niya ng litrato ang FB account niya para mangisay ang lahat sa inggit.

Pero hindi rin nagtagal ang pagbubunyi siya dahil nakakalahating oras pa lang siya sa party ay tumawag na sa cellphone si Zachary at pinapauwi siya.

"Bakit ba kasi ang strikto-strikto mo?" tanong niya sa lalaki.

"Lady, have you seen your latest pics? You were so thin. Dalawa pa namang nandiyan sa tiyan mo. Kung kasama kita siguro kahit apat na oras ka pa diyan, but I'm not there."

"Sabi nga kasing ganyan talaga katawan namin kapag buntis kami."

"No. Go home now. Please. Kung gusto mong kumain ay papadalhan kita ng pagkain sa inyo."

Tinatamad na rin siyang makipag-away kaya nagpaalam na rin siya agad. Sinabihan din niya si Dada na huwag i-tag ang mga pictures niya dahil may makita na namang mali ang lalaki sa London.

At nang sumunod na araw ay sinita na naman siya ni Zachary. Bakit daw hindi man lang siya nagkakalaman sa birthday pictures. Nagtatanong tungkol sa pinapainom ng gyne kung saan siya nito pinalipat. Nagtaka naman siya kung paano nito nakita ang mga birthday pictures. Baka nangha-hack.

Miyerkules ng gabi ay dumating ang sasakyang Safari at nagulat naman siya nang bumaba doon si Waldo Zachary mismo.

"Akala ko doon na lang tayo magkikita sa London dahil busy ka sa pag-aayos ng bahay?" tanong niya nang nakita ito na papasok sa bahay nila.

INDISCREET (to be published by Bookware Publishing Inc.)Where stories live. Discover now