Chapter 1:Jenny's Plan

64 4 0
                                    

Chapter 1:Jenny's Plan

"Uyy, kausapin mo na ko please. Please? Edward naman" mahinang sabi ni Hestia kay Edward na katabi niya lang. Nasa classroom na sila ngayon at wala pa ang teacher nila, kaya naman kinukulit ni Hestia si Edward. Mula kasi ng makumpirma nitong inaaway nga siya nila Erich at Coreen, ay hindi na siya nito muling kinausap.

"Sorry na talaga. Sasabihin ko naman talaga dapat sayo eh." pakiusap pa ni Hestia. Kukulitin niya pa sana ito pero dumating na ang teacher nila kaya di na niya itinuloy ang pangungulit dito.

___________

Lunch Time

Batid ni Hestia na nagtatampo pa rin sa kanya si Edward dahil sa pagka bell na pag ka bell ay lumabas agad ito ng classroom, ni hindi man lang siya hinintay gaya ng laging ginagawa ng binata tuwing lunch.

"Go girl, suyuin mo na si Edward" bulong sakin ni Alisa.

"Arte ng hayop na yon. Ang tampuhin ng asungot. Bading ba yon?" Inis na pahayag naman ni Jassy. Binigyan lang sila ng isang maliit na ngiti ni Hestia.

"Hestia, may plano ko! Siguradong effective to!" masiglang sabi ni Jenny habang may laman pa ang bibig nito, nakain kasi siya ng sandwich. Magtatanong pa sana si Hestia kay Jenny tungkol sa planong sinasabi nito pero di na niya nagawa dahil nag umpisa na namang magbangnayan sina Rain at Jenny. Nauna na sila sa canteen.

"Yuck talsik laway mo Jen!"

"Eh ano naman?"

"Full of bacteria kaya ang laway kadiri ka!"

"Parang ang linis ng laway mo ah!"

"Hindi kasi yon! Alam mo ba yung don't talk when your mouth is full?"

Tuloy pa rin sa pagbabanganyan sila Jenny at Rain kaya naman lumapit na lang si Hestia kay Zade.

"Sa tingin mo maasahan kaya yung plano ni Jenny?" nag aalalang tanong ni Hestia.

"Ewan, ngayon lang naman nag plano ang piglet na yun eh" natatawang sagot ni Zade. Napangiti na lang din si Hestia sa sinabi ni Zade.

Nang makahanap na sila ng table ay agad ng nag salita si Jenny tungkol doon sa plano na sinasabi nito.

"Hestia, sigurado akong dito kakain si Edward. Kaya pag nakita mo siya, tumakbo ka agad papalapit sa kanya then kulitin mo siyang sumabay satin sa pagkain" paliwanag ni Jenny.

"G*ga ka ba? Galit nga si asungot di ba? Sa tingin mo papayag yon?" pangongontra naman ni Jassy.

"Chill kalang kasi. Siyempre alam ko yun. Ayun na nga, pag hindi siya pumayag bumalik ka dito sa table" nakangiting sabi ni Jenny.

"Yon na yun Jen?" nagtatakang tanong ni Alisa.

"Bat ba ang aatat niyo? May date? Patap- Aray!"

"Tapusin mo na kasi, andami pang pakulo eh!" iritadong sabi ni Jassy matapos batukan si Jenny.

"So pagkabalik mo ng table" nakangiting sabi ni Jenny.

"This is were the real plan will begin" nakangising aso na pahayag ni Jenny. Agad namang pinitik ni Jassy sa noo si Jenny.

"Bruha ka! Sa dinami rami ng sinabi mo, saka palang mag uumpisa yung plano?!?" iritadong sabi ni Jassy. Nagtawanan naman ang mag ka kaibigan dahil sa kumukulong si Jassy at sa nakangising aso na si Jenny.

______________

Hestia's POV

Nagsimula na silang kumain habang hinihintay ko pa si Edward. Sa totoo lang kinakabahan ako sa plano ni Jenny, pano ba naman kasi sabi niya pagbumalik ako sa table namin, aalis daw sila and kailangan ko daw mag stay kasi part daw yun ng 'plano' niya. Pero dahil pinagkakatiwalaan ko na man si Jenny, pumayag na lang ako sa plano niya besides alam naman nilang lahat yung plano maliban sakin, masisira daw kasi pag nalaman ko lahat.

So back in reality tayo, natanaw ko na si Edward na papasok sa canteen, kasama niya sina Kris, Lance at Rico. Sa pagkakaalam ko, magkakaibigan na silang apat simula bata pa lang.

Nang makapasok sila ng canteen ay agad akong lumapit sa kanila.

"Hi shy doll!" masiglang bati ni Lance sakin na sinuklian ko ng ngiti.

"Oh hi Hestia!" kumaway naman sakin si Kris.

"Shy doll! Sabay ka samin ha?" sabi sakin ni Lance na sinabayan pa niya ng akbay. Bahagya akong napayuko dahil sa bigat ni Lance. Dumaan naman sa gilid namin si Rico.

"Pre hands off, may nagliliyab oh" nakangising bulong ni Rico kay Lance, agad namang bumitiw sa pagkakaakbay si Lance sakin.

"Sabi ko nga" natatawang sabi ni Lance habang nakatingin kay Edward. Sinamaan lang siya ng tingin ni Edward bago ito nag lakad muli.

Lihim naman akong napangiti. Nagselos kaya si Edward?

"Hestia, LQ?" tanong ni Kris na tinanguan ko.

"Psh! Shy doll di ka matitiis ng gunggong na yan" nakangising sabi ni Lance na tinanguan ni Rico.

"Thanks ah" sabi ko saka nag gesture na hahabulin ko na si Edward.

"Edward?" mahinang tawag ko sa kanya. Bumagal naman ang lakad niya at napatingin sakin.

"O?"

"Sabay ka sakin mag lunch" malambing kong sabi.

"A-Ayoko" ring kong sagot niya pero di siya nakatingin sakin kundi doon sa tray na hawak niya. Lalo akong ginanahan na lambingin siya kasi ramdam kong nahihirapan siyang tiisin ako.

Hindi ko to gawain pero dahil sa kapilyuhan na pumasok sa sistema ko ay niyakap ko siya sa braso.

"Please? Edward uyy, dali na. Edward ko." mas malambing kong pahayag. Tila nanigas naman siya pero agad ding nataranta. Nagulat ako ng tanggalin niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya saka siya mabilis na nag lakad papunta sa dulong table ng canteen.

Sobrang na shock ako. It's my first time na lambingin siya, na tawagin siyang 'Edward ko' but what he did to me was so mean. He could have just tell me na ayaw niya talaga pero leaving me in the center, habang pinagtitinginan at pinagbubulungan ng mga estudyante sa canteen? It was just so mean.

Bumalik ako sa may table namin na teary eyed. Na parang bang any seconds babagsak na yung mga luha ko. I silently eat my food ng bigla silang nagsitayuan. Napatingin ako sa kanila, nagtataka. Akala ko kasi di na tuloy yung plano. Kasi nagawa niya nga akong iresist diba? So para saan pa? I wanted to stop them pero wala akong enough na lakas para gawin yon kaya ipinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko.

Seconds later,

"Miss pwede bang maki share ng table?" napatingin ako sa lalaking nag salita sa harapan ko. He's not an STE student. Kusang lumibot ang mata ko sa buong canteen. Maluwag naman yung canteen ah? But instead of questioning him, I just smiled and nodded.

My Absolute Boyfriend Where stories live. Discover now