Chapter 9 : Faces of Grief

Start from the beginning
                                    

“Boys don’t worry okay? Hindi niyo kailangang magpanggap na concerned. Tutulungan ko parin naman kayo sa assignments niyo.” Pangangatwiran ko sabay taas ng workbook.

“Nga pala Tammy kailangan ko rin ng tulong sa El Filibusterismo, nalilito ako sa mga nangyayari eh.” Nakangising sambit ni Ford habang hinihipo ang batok. Ang sabihin niya, hindi siya nagbabasa.

“Oo na, oo na. Pero hindi mismong answers ang ibibigay ko. Samples lang para magsikap kayo.” Biro ko na lamang kay Ford. “Nga pala Ponzi saan galing yang wheel chair na dala mo?” Ibinaling ko ang tingin kay Ponzi at nagtaka ako nang biglang nawala ang ngiti sa mukha niya.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong binasa ang natanggap kong text message.

From : +639*********

It’s Calix. I’m at the parking lot. Please come out.

 

Nakakapagtaka, nagbago ba siya ng number?

 “You three, lunch break is almost done. Go back to your classrooms.” Giit ko at agad na lumabas ng library upang mapuntahan siya.

Nang maaninag ko ang kulay pulang kotse ni Calix ay agad ko itong nilapitan. Bukas ang mga bintana kaya kahit hindi ako pumasok ay kitang-kita ko ang lugmok niyang aura. Mula kagabi ay hindi parin siya nagbibihis. Suot niya parin ang kulay puti niyang Nirvana shirt at marami pa itong bahid ng dugong mula kay Tyler.

Namumugto ang mga mata niyang nakatitig sa kawalan. Awang-awa ako para sa kanya.

“Calix.” I called out his name at ako na mismo ang pumasok.

“Tammy anong nangyari?” Gulat niyang sambit nang makitang nakasaklay ako at agad akong inalalayan. “Damn it! I am so sorry—“

“Hey, I’m okay. You don’t have to apologize.” With my assuring words, I held his face and smiled.

Kitang-kita ko ang matinding lungkot sa mga mata niya kaya agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Isinandal ni Calix ang ulo niya sa balikat ko at sa unang pagkakataon, nasaksihan ko siyang umiyak.

Tyler and I weren’t that close but I still considered him a friend kaya’t maging ako ay naiyak narin. But I still can’t help but to blame myself… Kung hindi ako nakialam, sana buhay parin ngayon si Tyler. Kasalanan ko ‘to. Diyos ko, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya.

-----

Third Person’s POV

 

“Hi Jerome.” Nakangiting bati ni Tessa sa binata nang makasalubong niya ito sa hallway ngunit hindi siya pinansin ng binatang dire-diretso lang sa paglalakad suot ang itim na jacket habang nakayuko ang ulo at tila ba nagmamadali.

“Freak.” Inis na sambit ni Tessa at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

“Tessabell have you seen Quinny?” Kasunod namang nakasalubong ni Tessa si Milky na gaya ng dati ay pachill-chill lang kahit na nagsisimula na ang klase nito.

“Saw him talking to that another transferee boy named Stephen upstairs. Bilis maka-move on ng bestfriend mo ah.” Nakangising sambit ni Tessa sabay turo sa taas kaya agad napairap si Milky at nagtungo na lamang sa direksyon na itinuro ng dalaga.

Napabuntong-hininga si Tessa at binuksan ang locker niya. Nagulat siya nang makita sa loob ang isang bouquet  ng patay na mga rosas.

“The hell?” Mahinang sambit ng dalaga at itatapon na sana ang bulaklak sa basurahan niya nang mamataan ang isang envelope. Binuksan niya ito at nagulat siya nang makita ang isang pahina ng dyaryo sa loob—Ang parte ng mismong obitwaryo at ang masaklap naka-imprenta rito ang mukha at pangalan niya.

Nagsitayuan ang balahibo ni Tessa sa nakita at agad niyang tiningnan ang likod ng papel. Lalo siyang naguluhan at kinilabutan nang may mabasa ang mga katagang ito…

Roses are red,

Violets are blue.

All of these flowers are dead,

Soon you will be too.

Sa kaba ay dali-daling tinapon ni Tessa ang papel at bulaklak sa pinakamalapit na basurahan.

END OF CHAPTER 9

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

The girl who cried murderWhere stories live. Discover now