• • •
"Mga apo gusto nyo bang makarinig ulit ng kwento ko?" Sabik ang nakita sa dalawang bata kaya agad silang nagsabi ng "opo Lola" kaya naman inumpisahan na ng matanda ang kanyang kwento.
• • •
Disyembre 31,2034. Bisperas ng bagong taon, sa isang tuktok ng bundok sa bayan ng Oakdale may naninirahang mag ama. Ang ama ay nag ngangalang Robert at ang anak na babae naman nito ay si Alicia. Si Alicia ay isang lisensyadong Siyentipiko, ang kanyang ama ay may sakit na tila ba hindi mapaliwanag ng sinumang Doktor. Ito ay isang epidemya na kung saan parang nawawala sa sarili ang taong naapektuhan, nangingitim ang balat, at alam ni Alicia na maaaring makahawa ito sa iba sa pamamagitan ng kagat kaya lumayo sila sa bayan at sa bundok nanirahan. Labag man sa kalooban niya ay kailangan niya itali ang kanyang ama at ikulong sa bahay para hindi na makahawa pa. Duon din ay gumagawa si Alicia ng gamot na maaaring makatulong sa kanyang ama.
Dahil bisperas ng bagong taon noong araw na iyon, si Alicia at ang kanyang kasintahan na si Steven,isang sundalo sa bayan ay napagpasyahan na kumain sa labas. Ang araw na iyon ay itinuring na napaka saya ni Alicia ngunit may isang bagay na nangyari na hindi inaasahan. Sa kanyang paguwi wala na sa bahay ang kanyang ama, sira narin ang taling ginamit niya. Takot ang bumalot sa kanya, takot na baka makarating ng bayan ang kanyang ama. Lumipas na ang ilang araw at hindi parin ito nakikita ni Alicia. Hanggang isang araw nalaman niyang nagkakagulo na sa bayan, maraming Tao na ang nahawahan. Sinisi ni Alicia ang kanyang sarili sapagkat naging pabaya siya at hindi binantayan ang kanyang ama kaya't nagpursigi si Alicia na tapusin ang ekspirimentong gamot na dati ay para lamang sa kanyang ama. Nanirahan din sila ng kanyang kasintahan sa lugar na hindi pa naaapektuhan ng epidemya.
Ilang taon na ang lumipas, halos ang bayan ng Oakdale at ang karatig na mga bayan nito nabalot na ng epidemya. Hanggang sa pati ang bahay nila Alicia at Steven ay napasok na ng mga taong may sakit na ito. Sinubukang protektahan ni Steven si Alicia ngunit ang hindi inaasahang nangyari ay nangyari parin, si Alicia ay nakagat ng isa sa mga ito. Si Alicia ay may inabot na maliit na bote kay Steven, sinabi niyang natapos niya na ang gamot. Sinabi ni Steven inumin iyon si Alicia para hindi na kumalat pa ang epidemya sa kantawan niya ngunit tumangi si Alicia. "Sa ama ko nagumpisa ito, ako din ang may dahilan kaya nangyari lahat ng ito, ang gamot na iyan ay masasayang lang kung ako lang ang magagamot. Bago pa kumalat ang epidemya sa buo kong katawan, umalis kana at iligtas mo ang mundo sa epidemyang ito." Ayaw mang iwanan ni Steven si Alicia siya ang napilitan. Taong 2045, ang epidemya ay natapos na. Napaka daming Siyentipiko ang nagtulong tulong upang gumawa ng napaka daming gamot. Ang mundo at ang Oakdale ay naging mapayapa na. Ang mga nahawahan ng epidemya ay gumaling din ngunit karamihan ng alaala nila ay nawala. Pero dahil sa pagpupursigi ni Alicia at hindi pagsuko ay nasolusyonan nya nito.
Ipinapakita lamang dito na ang pagsasakripisyo ng isang bagay na mayroon ka ay maaaring makatulong sa iba. Ang pagpupursigi sa buhay o saan mang bagay ay may mabuting kahihinatnan. At ang hindi pagiging makasarili ay may mabuting patutunguhan.
• • •
"Wow Lola ang ganda naman po ng kwento niyo!" Tuwang tuwang sabi ng dalawang bata.
"Mabuti naman at nagustuhan ninyo mga apo" nakangiting sabi ng matanda.
"Pero teka Lola bakit parehas po kayo ng pangalan ni Alicia pati narin po si Lolo, Steven ang pangalan? Totoo po bang nangyari ito dati?" Nagtatakang tanong ng dalawang bata.
Ngumiti na lamang si Lola Alicia kay Lolo Steven na kanina pa pala nakikinig. At ang dalawang bata ay pagtataka ang naiwan sa kanilang mga mukha.
• • • End • • •
Still_Den thank you for the book cover! <3
YOU ARE READING
Unknown Disease
Short Story•||ShortStory||• 10-Initiative Daracan, Sarah Mae Dela Rosa, Eunice
