Chapter 3: Cat Fight

2.8K 92 23
                                    

THE GIRL BETWEEN US

Written by: lady_phoenix16

CHAPTER 3: CAT FIGHT

NAGULAT ako nang biglang pumasok sa classroom namin ang isang pamilyar na babaeng sumira sa buhay ko at ng pinakamamahal kong si Jeremy.

Kinusot-kusot pa ang mga mata ko para lang masiguro na hindi ako basta dinadaya lang ng aking mga mata pero hindi eh. Talagang totoo ang nakikita ko. Siya nga! Siya iyong babaeng kalaplapan ng aking prince charming! Siya iyong babaeng naging dahilan ng paghihiwalay namin ng lalaking pinapangarap ko. Ang kapal din naman ng mukha niyang magpakita pa sa akin!

"Hoy, Serenity! Problema mo? Parang kulang na lang eh gusto mong tuklawin iyong babaeng umupo ro'n sa unahan?" kuha sa atensyon ko ni Steve. Ni hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Napansin niya siguro na hindi na siya ngayon ang tinitingnan ko kundi iyong babae na katabi niya na umupo sa unahan kanina. Hindi rin talaga ako natiis ni Steve. Nag-alala yata kaya nilapitan ako.

"Steve! Siya iyon!"

"S-Siya? Sinong siya?" nagtatakang tanong niya.

"Siya iyong babaeng nang-agaw sa akin kay Jeremy! Hindi ko alam kung bakit nandito siya pero mukhang hindi ko nagugustuhan ang na-se-sense ko! Pakiramdam ko lumipat siya rito sa School natin para bakuran si Jeremy! Ang kapal talaga ng mukha!" nag-umpisa nang bumangon ang galit sa dibdib ko. Bigla na namang nagbalik sa isipan ko iyong paghahalikan ng babaeng iyon at ng Jeremy ko.

"Naririnig mo ba kung ano 'yang sinasabi mo ha, Serenity? Isang taon nang walang 'kayo' ni Jeremy. Wala ka nang karapatan sa kanya, gumising ka nga sa katotohanan! Siya ang girlfriend ni Jeremy ngayon kaya karapatan niya kung ano ang gusto niyang gawin para mapalapit sa boyfriend niya at labas ka na roon!"

"Ah, gano'n? Mas kinakampihan mo pa ang ahas na 'yun kaysa sa akin? Ako ang kaibigan mo 'di ba?"

"Kaibigan nga kita pero kung wala ka na sa lugar ay hinding-hindi kita kukunsintihin. Itigil mo na 'yang kahibangan mo kay Jeremy at huwag na huwag kang gagawa ng gulo ngayong kaklase na natin ang girlfriend niya!" pagbabanta pa sa akin ni Steve.

"Kung mas kakampihan mo pa siya kaysa sa akin, Steve eh 'di umalis ka na sa harapan ko! If I know, kaya ka lang naman nagkakaganyan ay dahil nagseselos ka hindi ba? Gusto mo kasi ikaw ang magustuhan ko! Kunwari ka lang na lumalapit sa akin bilang kaibigan ko pero deep inside your heart, umaasa ka na balang araw ay magugustuhan din kita! Well, huwag ka nang umasa! Dahil si Jeremy lang ang mahal ko at mamahalin ko at wala nang iba pa!" Natigilan ang lahat nang bigla akong tumayo. Maging iyong babae na kinaiinisan ko ay napatingin na rin sa akin.

Naiinis na nag-walk-out ako palabas ng classroom. Wala akong pakialam kung ito ang unang araw ng klase at mas lalo akong walang pakialam kahit na hindi ko mapasukan ang unang subject, mawala lang saglit sa paningin ko ang babaeng iyon na gustong-gusto ko nang kalbuhin kanina pa.

Hindi ko na rin mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Ang tagal-tagal na naming wala ni Jeremy pero hanggang ngayon ay pakiramdam ko kami pa rin. Hindi siya nawala sa puso ko kahit na saglit.

Nagulat na lang ako nang biglang may nakabangga na pala ako. Matangkad ang lalaking nakabangga ako at may kalakihan ang katawan niya kaya ako pa talaga ang muntikan nang matumba kahit na ako kung tutuusin ang bumangga sa kanya.

Nahawakan pa niya ako bago ako tuluyang masubsob sa sahig. At nanlaki ang mga mata ko nang pagtingala ko ay nakita kong si Jeremy iyon! Si Jeremy na matagal ko nang pinakaaasam na mamasdan ulit ng malapitan. Hindi pa rin nagbago ang hitsura ni Jeremy. Ganoon pa rin siyang pumorma at mahaba pa rin ang buhok niya. Pero naniniwala ako na mas gwapo siya noong kami pa.

The Girl Between Us (PUBLISHED BY LIFEBOOKS)Where stories live. Discover now