Chapter 8: Darkest Secret (12/12/2015)

2.5K 83 0
                                    

Chapter 8

"Darkest Secret"

Trixie:
I'M SORRY...

Trixie:
Please don't be mad...

Trixie:
I hope hindi maging hadlang ang mga nangyari kanina para mawala ang friendship natin...

Trixie:
I don't wanna lose you...

Trixie:
It's hard to admit this to myself but I think you're already part of my life now.

Trixie:
Kenjie, please talk to me...

Pag-uwi ko sa bahay ay iyon agad ang mga messages na bumungad sa mga mata ko. Pagkatapos naming pumunta sa SM MANILA kanina nina Francis ay kumain muna kami sa labas para naman mawala ang inis niya dahil sa pagsuntok sa kanya ni Jeremy. Nag-videoke pa kami sa Forever21 at halos magwala ang loka-lokang bakla na iyon nang dahil sa kalasingan. Mabilis lumipas ang oras na halos nakalimutan ko na rin ang nangyari kanina. Pero mukhang si Trixie ay maagang nakauwi at worried na worried siya na baka magalit ako.
Well, hindi naman ako ang nasuntok pero siguro kung nagkataon na ako si Francis ay baka nainis nga ako kay Jeremy dahil pwede naman niya akong kausapin ng maayos. Pero sabagay, kung ako naman si Jeremy ay baka nanuntok din ako. Sino ba naman ang hindi maiinis kapag sinusulutan ko ng jowa hindi ba?

Kenjie:
No worries. I'm not mad. I know that it's not your fault. It's only natural for Jeremy to punch me in my face. I think I deserved that. Because I am having a conversation right now with a girl who already have a boyfriend.

Iyon ang isinagot ko sa kanya. Medyo natagalan bago nag-reply si Trixie pero maya-maya ay naka-receive ako ng reply.

Trixie:
I see no reason why I shouldn't have chat with you. It's not like we're having affairs right? Can't we have a chat if we're just friends?

Natigilan ako roon. May point nga naman si Trixie. Pwede naman siguro akong makipag-chat sa kanya kahit na friends lang kami. Hindi pa naman ako nag-uumpisa sa panunulot sa kanya. Isa pa, sinabi nga ni Trixie na nagiging parte na ako ng buhay niya slowly but it doesn't mean na nahuhulog na rin siya sa akin.

Kenjie:
I'm sorry for what I've said, Trixie. You're a good friend. Hindi ka deserving na layuan ko just because nasuntok ako ng boyfriend mo. Nothing will change between us. We're still friends and you can still count on me. Always... I'm always here for you if you need me. You can call me anytime and I'll be there for you...

Hindi ko alam kung bakit pero parang nagiging totoo na rin para sa akin ang sinasabi ko. Well, nemesis ang turing ko kay Trixie pero pakiramdam ko ay medyo napapalapit na rin talaga siya sa akin ng totoo.

Trixie:
Thanks for understanding, Kenjie. I'm glad na kahit dito sa chat ay mukhang nakahanap ako ng totoo kong kaibigan. At first, I thought, flirting lang ang hanap mo. That's why you're chatting with me. But I guess, you're not just like those other guys.

Sabi pa niya. I don't' know what to say. I guess Trixie is starting to get warmer to me. Hindi ba dapat ay masaya ako na finally ay mukhang nakukuha ko na ang loob niya? Na finally ay mukhang nagbubunga na rin ang kagagahan ko na gumawa pa ng poser account para lang mapalapit sa kanya?

We're still friends and you can still count on me. Always... I'm always here for you if you need me. You can call me anytime and I'll be there for you...

Nag-e-echo sa isip ko ang sinabi ko sa chat. NO. Kung anuman ang unti-unti kong nararamdamang attachment kay Trixie ay sa tingin ko ay dapat ko itong pigilan. Si Trixie lang dapat ang ma-i-inlove sa akin at hindi ako sa kanya dahil niloloko ko lang siya. It doesn't mean na nagpapakita siya sa akin ng kabaitan ngayon ay dapat ko na ring palagpasin ang lahat ng pananakit na ginawa nila sa akin ni Jeremy. Dapat kong pigilan ang sarili ko na lumambot sa mga kaartehan niya. Mabait lang si Trixie dahil ang akala niya ay lalaki ako na ka-chat niya. Malandi kasi siya. May boyfriend na pero lumalandi pa sa iba. Walang'ya siya! Dapat iyon ang tandaan ko para mapanatili ko ang galit ko sa puso ko at maituloy ko ang paghihiganti!

The Girl Between Us (PUBLISHED BY LIFEBOOKS)Where stories live. Discover now