“Well, it seemed like you and Ellie have something to talk about. I’ll just approach you next time, then.” Kaswal na sinabi ko.

He looks fierce, effortlessly. Hindi ko alam kung bakit feeling ko ay napapahiya ako sa sarili ko habang tinitignan niya ako sa ganoong paraan, lalo na sa harap ni Ellie.

Tumalikod na ako sa kanila at agad na dumiretso sa table namin, nandoon na si Claire at nakita kong nakatingin sila sa gawi ni Ellie at Bradley.

“What happened? Nakapagthank you ka ba?” Shaney asked.

Umiling ako, “I realized that maybe next time.” Napatingin akong muli sa gawi nila at nahuli kong nakatingin si Ellie sa akin, agad itong nag-iwas ng tingin nang nakita niya akong tumingin sa kanya. “Mukhang may pag-uusapan sila ni Ellie.” Wika ko at nag-iwas na lamang ng tingin.

“Okay, that sounds weird. I really hate that Ellie, ma-attitude.” Claire murmured.

“You cannot just hate a person just because she’s like that.” Shaney said.

“Well, for me, ganoon iyon. Can’t she act a little nicer? Hindi ko pa rin makalimutan iyong ginawa niya sa party, she sounded like a total jackass.” Sumubo si Claire sa kanyang pizza gamit ang tinidor.

“Bradley can talk well. Kahit wala namang nakakaiyak sa sinabi niya ay naiyak pa rin si Ellie.” Kibit-balikat ni Claire.

“I can see that. Men like him are rare.” Shaney blurted out as well.

“His brother is very typical, pero malakas daw ang appeal in person at mas witty daw.” Claire started off with Jackson again.

I sighed, tumayo ako at tinuro ang comfort room, tumango naman ang dalawa sa akin.

I hate that topic. I hate him as a topic. Kaya nama’y hangga’t maaari ay ayaw kong makarinig ng kahit anong tungkol sa kanya.

“Neterini!” I heard a boy called out my name, capturing many people’s attention inside the cafeteria.

Nagulat ako nang nakita ko si Leona sa entrance ng cafe. Kumaway ito sa akin at naglakad na palapit, I smiled back at him.

“Break time mo rin?” I asked.

Tumango siya, “are you with someone?” Tanong niya.

“Yes, I’m with Shaney and Claire.” Sabay turo ko sa table naming tatlo.

“Oh, by that..can we eat lunch together?” Tanong niya sa akin. “Aayain sana kitang magsnack kasama ako pero may kasama ka naman pala.” Paliwanag niya pa na parang nahihiya.

“Sure, text me.” Walang pag-aalinlangan kong sinabi, sa kanya.

Lumiwanag ang kanyang mukha, “nice, now type in your number.” He said ang pulled out his color gray iPhone out from his khaki pants.

Tinitigan ko iyon at kinuha, I typed my number and gave his phone back.

“Susunduin ba kita, or..” Nagaalinlangan siyang tumingin sa akin.

“Huwag na, kaya ko na ang sarili ko.” Paliwanag ko naman dito.

Tumango na lang siya at tinuro na ang counter, oorder na rin. Tinanguhan ko siya at dumiretso na ako sa comfort room. I don’t even have the idea why I came here, para maghugas ng kamay kahit hindi naman marumi ang mga kamay ko?

Nang lumabas ako ay napatigil ako nang nakita ko si Bradley na nakasandal sa maiksing hallway papasok sa CR. Napatingin ito sa akin nang lumabas na ako.

“Ano iyong sasabihin mo?” Tanong niya sa akin, hindi nakatingin sa akin.

“Wala. I just wanted to apologize about yesterday-”

Not A Fairytale✔Where stories live. Discover now