Chapter 28 ♦️ Doubt

22.6K 904 33
                                    

Max's POV

Ang dami ko na ngang pinoproblema at dumagdag pa ang isyu ni Chase na ayaw sa virgin. It is so damn weird for a guy who doesn't like virgins. Ang iba nga proud na proud na sila yung nakuna, but him he doesn't like it.

Fuck, then I should pretend I am not. Hindi naman siguro niya malalaman yun. I just have to act like I am not. Ganun na nga. Pero nakakabanas lang ang ganito dahil hindi ko rin ito inasahan.

Nakatulugan ko na lamang iyon at nagising na rin sa umaga. Mamaya na ang uwi namin sa Maynila. The seminar was great at ang dami kong natutunan tungkol sa success ng car racing. Marami din ang dumalo doon na mga sikat na mga racers. Naging exclusive ang seminar at ipinagbawal ang media dahil bawal din iyon sa isla.

Ngayon naman ay kasama ko si Chase at nag-aagahan kami. Si Chrome naman ay naging busy sa pakikipaghuntahan sa mga car racers. While Taylor and Trey are having their own world with girls. Bukas ay balik trabaho na kami ulit at magiging busy na naman kami.

"You can take a day off tomorrow babe. I know you're tired." Malambing na saad ni Chase sa akin.

He's being extra sweet na kulang na lang ay langgamin kaming dalawa pero hinahayaan ko na lang din.

"No, I'm fine. I'm used to this kaya okay lang. And I know maraming nakatambak na trabaho so it needs more attention tomorrow." Sagot ko naman sa kanya. Alam ko na magiging busy ito bukas dahil isang linggo din kaming nawala kaya lalong dapat na pumasok ako bukas.

"But please, don't tire yourself." Nag-aalalang saad nito sa akin and he even pulled me closer to him and kissed my shoulders.

Chase is being touchy. Yun ang napapansin ko sa kanya. He likes hugs and kisses, but I never felt violated o nababastos man lang. He did not try to move further than a kiss and hug. Malayong malayo sa Chase na kilala ko na kung saan saan dumadapo ang kamay nito pagdating sa babae. I can still remember how he made out when we first went to a club and had party. He touched and squeezed a woman's body and even touched the most private zone. Kaya nagtataka ako kung bakit, hindi siya ganoon sa akin.

He kissed me deeply and throughly pero agad itong tumitigil and I noticed his ears are red and jaws are clenching like he's in pain. Parang nagtitiis ito, pero bakit?

"I'll rest if I am tired, I promise." Sagot ko na lang sa kanya at nginitian ko siya ng malaki.

I saw how Chase stared at me like he's seeing a dream. Lagi siyang ganito tuwing ngumingiti ako, natutulala na ewan pero hindi ko na siya pinupuna dahil kung trip niya yan ay hindi ko siya pipigilan.

Then we ate with gusto. Bibyahe na kami mamaya at diderecho na rin ako sa condo para makapagpahinga.

"Hi!" Napaangat naman ako ng tingin dahil sa babaeng bumati sa amin ngayon.

It's Katarina and she's smiling sweetly towards us. Bahagya akong ngumiti pero mas nangibabaw sa akin ang pagtataka. I did not expect her to approach us dahil sa buong seminar ay dumidistansya ito na tila hindi kami kilala pero kung makatingin naman ito sa akin ay parang may malaking kasalanan ako sa kanya.

"Katarina." Turan naman ni Chase and somehow, I felt irritated when he mentioned the name. Parang ayoko na sumasambit siya ng pangaln ng ibang babae.

"Can I sit with you guys? The tables are all full." Nakangusong saad nito na mas lalong ikinaganda nito. She's really fair and now her skin is reddish because of the sun burn she got from swimming. I wonder if they sting.

Napatingin naman ako sa buong restaurant. Puno nga ang mga mesa doon dahil halos lahat 'ata ng mga guest ay dito nag-agahan.

"Sure." Sagot ko naman kahit ang totoo ay gusto ko siyang paalisin. She's too beautiful and it's painful to see dahil pakiramdam ko ay maaagaw ang atensyon ni Chase.

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon