Chapter 7 ♦️ Night

27.2K 1K 14
                                    

Max's POV

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa Valkyrie at agad naman na nagpark si Chase doon at pumasok na kami sa club. Maingay as usual at marami ang nagsasayawan sa dance floor pati ang mga ilaw na iba't-ibang kulay ay sumasayaw din.

Nakasunod lang ako rito, parang patungo ito sa isang VIP room, ano pa ba dapat asahan ko? Magbabar counter lang kaya ang taong ito? Baka nga kung gustuhin nito ay isasarado nito ang club para masolo lang nito ang espasyo.

"Come." Saad nito sa akin ng makalapit na kami sa VIP room at nakapasok. Agaran na tumahimik sa loob at may konti na lang akong naririnig na tugtog.

May neon lights din dito and sound system kung gustong magpatugtog. May mini stage din doon. Tiyak, sobrang mahal nito.

"Hey man, welcome back! I thought you lost your way." Saad ng lalaking hindi ko kilala even familiarity.

Pero yung isang kasama nito ay talagang familiar sa akin. Hindi ko lang alam kung saan ko nakita ito, basta I saw him somewhere at hindi ko lang maalala.

"Trey, good to see you man." Bati naman ni Chase rito na Trey pa la ang pangalan.

"I never knew, you are now into this types." Makahulugang saad ng lalaking pamilyar sa akin.

"Man, forgot to mention, this is my bro Max, the one I talked about last time." Natatawang saad nito sa lalaki. "And Max, this is Taylor Daniels." Pakilala nito.

Ngumisi naman ang tinawag nitong Taylor Daniels. Crap, why the name sounds so gay? Kasi yung naiisip ko lang eh Taylor Swift. I know na unisex ang pangalan nito but I can't help the fact thinking about it. Pero bigla naman umilaw ang bombilya sa utak ko when I suddenly remembered his name.

"The current car racer champion?" Tanong ko. I am sure. He was the current champion of the Piston Cup happened this year. Napanood ko sa cable yung race.

"Yeah. I did not thought you will know me." Nakangiting saad naman ni Taylor.

Ngumisi naman ako. "Who will not?" Sagot ko naman rito.

May lumapit naman sa amin na isang waitress at tinanong kung anong gusto kong inumin.

"Martini." Maikling sagot ko na lang rito.

"Tay, don't underestimate her. Behind that facade is a monster on tracks. Remember, she defeated me." Natatawang saad naman ni Chase habang umiinom ito ng whisky.

Nanlaki naman ang mga mata ni Taylor. "Is that really true? I thought you were just bluffing." Di makapaniwalang saad ni Taylor na tumingin naman sa akin. "Damn, you must be really good on wheels."

Umiling naman ako. "It just happened that I badly need the pot money and sheer luck." Ngising sagot ko naman rito.

"Tsk. Your audi is ridiculously fast." Komento naman ni Chase habang nakasandal ito at ngayon ay may nakaakbay na babae rito. Hindi ko man lang napansin kung kailan yun napasok dito sa VIP room.

"Tell that if you don't have a Chiron." I almost rolled my eyes. Anong panama ko kung yung ginamit niya sa gabi ng race ay yung buggatti chiron niya? Nganga na lang ako. Nilagok ko na lang ang Martini na sinerve sa akin.

"Yeah lets proceed with the meeting." Saad naman ni Trey. "So, were here to have a training camp that will happen, two weeks from now." Saad nito.

"Chase, just like the old days. Wanna join the fun?" Tanong ni Taylor dito.

Ngumisi naman kaagad si Chase. "Of course, I won't miss the fun. I hope Xander is here."

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon