Mysterious 1

799 37 1
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Mysterious Bipolar

-ShookedShooky

Existence

I'm getting bored and impatient habang hinihintay si Leria na dumating, ang sabi nya kasi dapat daw 8am nandito na kami pero 9am na wala parin sya late na nga ako ng 30 mins mas late pa pala sya ng isang oras.

Pasalamat sya at nasa school zone ako kundi malilintikan talaga sya sakin, alam naman nyang ayaw ako ng pinaghihintay sa inis ko tinawagan ko na sya agad

"Hello, who's this?" Tanong nya na halatang tulog pa

"Pag wala ka pa dito within 10 minutes pasasabugin ko yang buong bahay kasama ka" sagot ko sa kanya na may halong pagbabanta

Dinig ko naman yung pagtili nya sa kabilang linya pati na yung pagkalabog nung mga gamit nya sa sobrang pagmamadali, nakalimutan pa ngang patayin yung tawag kaya ako nalang ang gumawa.

Napahikab naman ako saka sumandal dun sa katawan ng puno na sinasandalan ko pero bakit parang mainit yata yung puno saka mabango, amoy chocolate na may halong mint?

Oh well baka naman napunta na naman sa kabilang dimensyon yung utak ko kaya kung anu-ano ang naiimagine ko, pero infairness ah ang sarap sumandal sa puno na to nakakarelax.

Nagising ako dahil parang may nakahawak sa kamay ko kaya nagmulat ako ng mata tapos pumikit ulit, teka, mukha ba ng lalaki yung nakita ko o mukha ng babae?

Dinilat ko ulit yung mata ko saka kumunot yung noo ko, lalaki ba talaga to, ba't ganun yung features ng mukha nya, pang babae?

Buti nalang pala at tulog sya dahil nakakahiya kung magigising sya at nasa ganito kaming posisyon, bale sya yung nakasandal sa puno habang tulog tapos nakahiga naman ako at nakaunan sa lap nya tapos hawak nya yung kamay ko

Ay teka parang may mali, tumingin ulit ako sa kamay kong nakapatong sa may tiyan ko at may mali nga, hawak nya yun kaya bigla kong tinanggal at napaupo ako bigla kaya nagising sya at tumingin sakin

Ako naman tong di makatingin sa kanya dahil nahihiya ako sa nangyari, why did I end up sleeping on his lap kung nakaupo ako kanina bago ako nakatulog?

At kelan pa din ako natutong mahiya lalo na sa isang lalaki?

Ngayon palang yata at sa isa pang lalaki na mukhang babae siguradong pagtatawanan ako nung tatlo na yun kapag nalaman nila kaya asa pa silang sasabihin ko tong nangyari.

Muntik pa kong mapatalon sa gulat nung biglang magring yung phone ko kaya dali-dali ko yung sinagot

"Nasaan ka na, magsisimula na yung klase" tanong ni Leria

"Dunno" sagot ko

"Nasa university ka pa ba?" Tanong nya

"Ye pero di ko alam kung saan banda" sagot ko

"Ikaw lang talaga yung gala na kilala kong laging naliligaw. Magtanong ka nalang kung nasaan yung business building, nasayo naman yung schedule mo" gigil nyang sabi saka ako binabaan

"Walanghiya, binabaan ako bigla. Ibabangga ko yung kotse mo mamaya" bulong ko

Tinignan ko naman yung schedule na sinasabi ni Leria, tapos tumingin ako dun sa lalaki tapos sa schedule ulit tapos sa kanya napansin yata nya kaya nagmulat sya ulit ng mata at tinaasan ako ng kilay

Mysterious Bipolar (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن