Chapter 39 - Engagement Day pt. 2

Comenzar desde el principio
                                    


"Anong pinagsasabi mo dyan? Babae talaga ako noh." Pinaningkitan niya ako ng mga mata hahaha.


"Hindi ka na boyish." Pagka-klaro ko.


"Alangan namang dalhin ko dito ang pagkaboyish ko, gusto mong mapahiya ako?"


Bakit ganon? Ang cold cold na niya sa'kin? Hindi ba niya ako namiss? Huhu.


"Lil sis, alam mo bang lagi kang tinatanong ni Dino sa'kin kapag nagkikita kami sa states? Namiss ka kaya nitong dee ko haha." Napapatango ako bilang pagsangayon sa sinabi ni dee my loves.


"Talaga?"


"Oo nga, namiss kita!" Pinat ko ang ulo niya na lagi kong ginagagawa.


"Pasalubong ko?"


Napakamot ako kasi nakalimutan kong dalhan siya ng pasalubong pero—joke! Haha, syempre meron ako, kakalimutan ko ba naman ang pasalubong ko sa little sister?















ALLEN's POV


Akala ko naman wala siyang dinalang pasalubong sa'kin, kung wala—papahiwalayan ko sa kanya si ate Sandy, joke! Hahaha, mahal na mahal nitong dal'wa ang isa't isa noh.


Tsaka namiss ko rin si Dino, syempre naman. Pero hindi ko sasabihin sa kanya, haha.


"Allen-liit~" Kinakalabit pa ako nito, hay nako parang bata lang? Hanggang ngayon 'yan parin ang tawag niya sa'kin, porket ang tangkad niya? Hmp!


"Asal bata ka parin, wag mo na nga akong tawaging Allen-liit!" Inirapan ko naman siya.


"Hahaha, ang cute kaya ng tawag ko sa'yo, namiss kita my little sister!" Leche! I-hug ba naman ako? Kadiri!


"Wag mo nga akong tawaging littler sister Dino. Hindi kita kapatid!"


Lumayo layo ako ng konti sa kanya, wala lang.. gusto ko lang inisin eh hahaha.


"Hahaha—syempre future brother-in-law mo kaya 'to." Ano daw?


"Bakit? Magpapaampon ka sa parents ko? Mukha mo!"


Akala ko maiinsulto siya sa sinabi ko tinawanan lang niya, kung mapapansin niyo kasi parang ayaw ko sa kanya pero syempre hindi 'yon totoo, gustong gusto ko sila ni ate Sandy, katulad ng ate ko na mahal na mahal ako, ganon din si Dino sa'kin, mabait talaga siya. Gusto ko lang kasing binibiro siya haha.

Crazy Girls VS Delinquent BoysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora