Chapter 26 - Vincent's Day Off

2.2K 69 2
                                    

#CGVSDB


Chapter 26 - Vincent's Day Off

Chapter 26 - Vincent's Day Off

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.








VINCENT'S POV



Anak ng tokwa! Makakasama ko na naman ang magulo kong pamilya ngayong araw. Dapat sana magbi-billiard ako kasama ang barkada, pero ano naman kinabagsakan ko? Family bonding—hindi ba kayo maiinis? Ito talaga ang pinakaiiwasan kong dumating, okay.. mahal ko po ang pamilya ko, kaya lang sisisirain lamang nila ang araw ko kapag sumama ako!


Puwes—malalaman niyo kung bakit!


"Vincent anak, may brief ka pa ba sa bahay?"


Pinanlakihan ko ng mga mata si mama dahil sa tanong niyang iyon—nakakahiya! Magtatanong na lamang siya iyon bang dinig na dinig pa ng mga taong narito? Hindi kayo mahihiya!?


"Ma! So wala pala akong suot na brief ngayon? -_-" Pamimilosopo ko sa kanya, pero mali ang ginawa ko-


"Ha anak? Diyos ko naman.. wala kang suot na brief ngayon? Oh anak, tara na't pumili ka sa mga brief na ito oh, para maisuot mo na, dali na Vincent!"


What the fck?


Eh hindi naman iyon ang ibig kong sabihin! Dapat pala hindi ko na pinilosopo pa ang mama ko, ako tuloy ang napahiya lalo. Shit.

Crazy Girls VS Delinquent BoysWhere stories live. Discover now