❤️20❤️ DI SANAY

Start from the beginning
                                    

"I ask you to tell me how YOU enjoyed the process of the wedding... not how you enjoyed the wedding... with Jaki" sabi nya na nagpatigil sakin..

Sh*t Oo nga!

Kanina ko pa paulit ulit na binabanggit si Jaki..

Pero.. wala namang ibig sabihin yun diba?

"BabyBoy naman.. syempre boss ko sya.. sya kasama ko lagi sa trabaho" sabi ko saka ko inangkla ang kamay ko sa braso nya..

"parang ang happy mo.. nung magkasama kayo" sabi nya na nagpakunot ng noo ko..

"what are you talking about? Masaya naman ako sayo ah?" Sabi ko pero agad syang umiling..

"ever since you got here.. di pa kita nakitang happy... kanina.. habang nagkukwento ka.. dun ko nakita yung smile mo na namiss ko" sabi nya

Saglit ko syang tinitigan..

Tama sya..

"h-hindi naman ganon yun... syempre di pa nga ako sanay—-"

"you've been using that same reason for almost a month now.. talaga bang di ka sanay? Or you don't want to be here?" pagpuputol nya sa sinasabi ko..

Napayuko ako..

Di ko rin kasi maintindihan ang nararamdaman ko..

"do you still want to be with me?"

agad na umangat ang tingin ko sa narinig kong tanong nya..

"ano ka ba naman BabyBoy? Syempre I want to be with you" sabi ko saka ako tumayo at niyakap sya mula sa likod..

"sorry, I don't know what I was thinking.. maybe I just got paranoid.." sabi nya saka niyakap ang kamay kong nakayakap sa kanya.

"sorry din.. ano.. bukas pasyal tayo? Pasyal mo naman ako" paglalambing ko kay Greg

"Sure BabyGirl" sabi nya..









































Kinaumagahan.. maaga kaming nagising..

Nag-jogging kami..

May malapit kasing park dito..

Pagkatapos naming magJogging.. pumunta kami sa malapit na cafe shop..

Niyaya ko kasi syang magkape..

"stay here, ako nang kukuha" sabi ko saka na ako dumiretso sa counter..

Agad kong inorder ang parehas naming paborito..

Pagakabalik ko ay inabot ko sa kanya ang kape nya..

Agad nya rin namang tinikman..

"wait.. bakit walang sugar?" Tanong nya

"diba dika—-" agad kong pinigilan ang sarili ko sa pagsasalita..

"ah.. nagkapalit yata tayo.." sabi ko saka ko pinagpalit ang kape namin..

"di ka na nagsusugar?" tanong nya..

"t-tinatry ko lang" sabi ko saka pinilit uminom kahit medyo mapait..

Vice ano ba..

No sugar..

Jaki..













"BabyGirl?" Natigil ako sa pagiisip ng marinig ko ang tawag sakin ni Greg..

"yes BabyBoy?" sagot ko

Quiet Love ‖ ViceJackWhere stories live. Discover now