Book I Chapter 13: Confession

1.7K 11 0
                                    

Confession

Mabilis lumipas ang araw ng linggo ko marahil excited na akong pumasok. Makikita ko na naman kasi si Cyrus. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga pangyayari nung sabado, kung paano kami kumanta, nagkulitan, kumain at ang buong pangyayari sa araw na iyon. Ang saya talaga sana ganoon nalang palagi. Sana siya na nga ang superman ng buhay ko.

Pagkarating ko ng eskwelahan ay agad naman akong tumungo ng locker na nakasanayan ko na simula ng sinulatan ako ni Superman. Pagkabukas ko ng pinto ng locker ay buti na lamang at may nakita akong papel. Sa wakas sumagot na siya akala ko di ko na siya makakausap uli eh, sa isip isip ko.

how’s ur weekend?

hope u had a lot of fun (:

i really miss you a lot!

u know what?

i thought that 'TiME' has already come

and i was suppose to reveal hu am i,

but i was wrong,

i might have better luck next time.

take care my princess (:

Yours truly,

Superman

Wow, grabe si Superman englishero. Baka porenjer toh at hindi si Cyrus? Hala! Anyway nanosebleed ako sa sinabi niya ah. Teka my princess? Ako ba ung tinutukoy niyang princess na yun? Baka ako nga, kakilig naman. Sayang magpapakilala na pala siya. Bakit kaya hindi natuloy? Makasagot na nga lang sa sulat niya.

akala q nd k n ssgot s last letter q!

i miss you too superman! bleh!

super saya ng weekend q! sobra..

ksma q ksi si superman ng lyf q eh,

si superman torpe hehehe! jowk lng =)

ingat din superman!

"Uyy sino kaya yang sinusulatan ni panget?" pangangantyaw ni Joshua na hindi ko naman napansin na nasa likod ko at tinitignan ang ginagawa ko. Nabasa kaya niya? Hay nako talaga naman!

"Chismoso ka noh? Kalalake mong tao nakikibasa ka ng sulat ng may sulat!" pagsusungit ko naman sa kanya nakakainis kasi nasa kalagitnaan ako ng pagkakilig bigla siyang eeksena!

"Bakit ang sungit mo? Kakamustahin ka lang eh sinusungitan mo na ako agad. Tsaka hindi ko binabasa ung sinusulat mo ah!" pagpapaliwanag naman niya.

"Hindi ba? Akala ko binabasa mo eh. Sorry naman." pagpapaumanhin ko naman sakanya.

"Sorry, sorry. Ikaw na nga tong babatiin tapos susungitan mo pa." pabulong na sabi ni Joshua.

"Sorry na nga po eh diba? Bati na kami niyan ni panget." sabi ko sa kanya habang pinaglalaruan ko ang magkabilang pisngi niya. Paglalambing kumbaga.

"Oo na. Matitiis ba kita (pabulong niyang sinabi.)" sagot naman ni Joshua sakin habang pinipisil ang ilong ko.

"Ano? Ano? Parang may binulong ka eh." pagtatanong ko naman sa kanya dahil may binulong siyang hindi ko narinig ng maayos.

"Binulong? May narinig ka?" pagtataka naman niyang tanong.

"Wala po." pagwawalang bahala ko namang sagot sa kanya.

Dumating na nga ang teacher namin at kanya-kanya naman kaming balik sa mga upuan namin.

"Chloe, usap tayo mamayang recess ha!" sabi naman ng seatmate kong si Janine.

"Ay oo nga pala! Sige." pangiti kong sagot sakanya.

"Ok class. I have an announcement." sabi ng teacher namin. Ano kaya yun? Siguro walang klase? Sana nga. Hehehe.

MEDYAS: A LOVE STORY *BOOK I*Where stories live. Discover now