Chapter 10: Missing

Start from the beginning
                                        

_______________________________________

Napatigil si Monica ng biglang hinablot ni mr. fantino ang kanyang cellphone. Hinagis niya ito sa pader ng guro. Nagulat ang lahat sa inasal ng guro. Nanlilisik ang mga mata at hinatak nito si Monica patayo.

Monica: Sir, ang sakit po. Aray.

Mr. Fantino: Ms. Rodriguez, 'di mo ba nakikita na nagdidiscuss ako? Ha?! 

Monica: Aray! Sir tama na po!

Ice: Ano ba? Tigilan mo na 'yan. Nasasaktan na si Monica.

Mr. Fantino: Huwag kayong mangealam!

Artemis: Putek! 'Di mo ba siya bibitawan?sinabi ni Artemis na puno ng inis. 

Binitawan ng guro si Monica. Nasubsob si Monica sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakabitaw sa kanya. Napatayo si Emanuelle at tinulungan si Monica. Tumayo rin ang ibang kaklase nila upang tulungan ang dalaga. Nakangising nakatayo si Mr. Fantino sa likurang bahag ng silid. Napatingin sa kanya si Artemis, pero hindi niya ito pinansin at tuluyang umalis. 

+After classes+

Naiwan sa loob ng classroom sina France, Monica at Emanuelle. Nakatulala lang si Monica, si France ay nakatingin lang sa dalaga, si Emanuelle naman ay nakatayo sa harapan at naglalakad ng paulit-ulit. Binasag ni Emanuelle ang katahimikan.

Emanuelle: Monica, tell me the truth, nakatanggap ka ba ng text message?

Monica: Emanuelle, nasa panganib si Elleanor. Hawak siya ng mga killer. Tulungan natin siya.

France: Delikado 'yang iniisip mo, Monica. 

Monica: Paano kung mapahamak si Elleanor? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hindi ko hahayaan na may mamamatay na naman dahil sakin. Sinabi ng dalaga na naiiyak na. Niyakap lang siya ni France. Si Emanuelle naman ay lumapit na sa dalawa.

Emanuelle: Hindi, Monica. Hindi ikaw ang pumatay sa kanya. Alam ng lahat ang tunay na nangyari.

France: Tahan na, huwag mo na ring isipin 'yung nagyari kanina.

Napatigil silang tatlo ng biglang pumasok si Artemis na nanginginig sa takot. Lumapit siya kay Emanuelle at marahas na hinatak patayo. Napangiwi si Emanuelle sa sobrang higpit ng hawak ni Emanuelle. Maging sina France at monica ay nagulat. Biglang nagsalita si Artemis.

Artemis: Anong nalalaman mo sa mga pagpatay sa section na ito?

Emanuelle: Ha? Ano bang pinagsasabi mo? At tsaka bitiwan mo nga ako. Nasasaktan na ako.

Biglang napaiyak si Artemis na napaupo sa sahig. Para siyang bata na naagawan ng kendi. Napalapit naman si Monica sa dalaga at niyakap. Mas lalong lumakas ang pagiyak ni Artemis. Tanging iyak lang ni Artemis ang nangibabaw sa buong kwarto. Binasag ni France ang katahimikan.

France: Uhm, Artemis. Ano bang nangyari? 


Binigay lang ni Artemis ang kanyang cellphone kay France. Lumapit si Emanuelle sa kanya at sumenyas na buksan ang cellphone. Nanginginig na inabot ito ni France at binuksan ang isang message. Isang litrato ang tumambad sa kanila. Litrato ng pamilyar na mga tao. Parehas silang nakakadena at puro pasa ang katawan. Napako sa kinatatayuan si France, si Emanuelle naman ay napahawak sa bisig ng binata. Tumayo si Monica at humarap sa dalawa.

Monica: Oy! Ano bang nangyari sa inyo? Para kayong namatayan base sa ekspresyon ng mukha niyo ah?

Kinuha ni Monica ang hawak-hawak na cellphone ni France at tiningnan. Kahit si Monica ay hindi nakakilos sa sobrang gulat.

Monica: Sino may gawa nito? At paano niya nakuha sina Angelique at Arvee? 

France: Hindi natin namalayan na kumikilos ang kalaban ng maingat. Hindi siya basta-basta sa pagpatay. Parang may pattern.

Artemis: Anong ibig mong sabihin?

France: Hindi pa ako sigurado kung tama ang naiisip ko, pero malaki ang posibilidad na-

Natigil si France ng biglang sumulpot si Mr. Fantino. Lumapit ito sa apat at biglang nagsalita.

Mr. Fantino: Umuwi na kayo. Hindi ba kayo hinahanap ng mga magulang niyo? At bakit pa kayo narito? 

Emanuelle: Ah, eh kasi po-

France: Nagpaplano po para sa aming group report.

Mr. Fantino: Sigurado kayo? Bakit namumugto ang mata ni Artemis?

Artemis: Napuwing ako eh. May problema? 

Mr. Fantino: I'm just asking, Ms. Vargas.

Emanuelle: Sir uuwi na po kami. Pagabi na po kasi eh.


Umalis na ang apat. Nakangisi lang ang guro habang nakatingin sa apat. Bago pa tuluyang makalabas ang apat. Muling nagsalita si Mr. Fantino.

Mr. Fantino: Asan na pala ang apat niyong kaklase? Hindi kaya nawawala sila o baka sila na ang susunod?

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Please vote and leave comments guys....

Text MessageWhere stories live. Discover now