Chapter 10: Missing

41 1 0
                                        

Busing-busy ang lahat ng estudyante ng 4-Lynx sa pagrereview para sa darating nilang preliminary examination. Kapag malapit na ang exams, ang karamihan sa kanila ay seryoso, hindi mo man lang makausap ng maayos. Pero ang iba'y papetics lang, halatang walang pakialam sa kanilang grades.Nadadaan kasi minsan sa suhol ang ilang guro kaya walang pake ang iba sa exams. Nadatnan ni Mr. Fantino ang buong klase na nagrereview, kaya't siya'y nagtanong.

Mr. Fantino: Oh, ano 'yan? Busing-busy kayong lahat ah? Another first for this section.

Ice: Tsss. Halata ba? Eh 'di nagrereview para sa exams.

Mr. Fantino: Mr. Buenavista, watch your mouth. Okay Ms. Clemente.

Emanuelle: Yes sir?

Mr. Fantino: Check the class attendance. Ilagay mo na lang sat able ko sa faculty. May meeting pa kasi kami. Class, Ms. Clemente will handle the section for a while.

Umalis agad si Mr. Fantino sa room. Tumayo si Emanuelle sa harapan ng klase at sinimulang magcheck ng attendance. Umingay na naman ang buong klase, pero hindi pa rin ito pinansin ni Emanuelle. Maya-maya, nagsalita si Emanuelle.

Emanuelle: Kulang tayo ng apat. Asan sina Elleanor, Angelique, Arvee at Marc. Hindi ko pa sila nakikitang umabsent.

Artemis: Duh, 'di ba sina Angelique and Arvee may relasyon?

Anya: Yup, so ano pinaglalaban mo?

Artemis: Yuck! Anya you're so bobo. Eh di nagtanan sila. Ano ba kayo...

Selenne: Wala ka pa namang proof na nagtanan sila. At tsaka anong say mo kay bitch?

Ice: Bitch? Sinong bitch?

Anya: Bitch, 'yung pinaliguan lang natin last week, bitch...

Artemis: You're so boba talaga. Bitch refers to Elleanor/ Epal/ Freak...  And I don't care kung pinatay na siya ng killer or pinapahirapan pa. Buti nga sa kanya.

Anya: I thought bitch na dagat. By the way, si Tyler nasan?

Kieffer: Lagi namang nasa library 'yun eh.

Monica: Nakita ko siya kanina. Nasa loob ng library...

Artemis: We don't need your opinion, Monica.

Monica: I'm just telling this para hindi mag-alala 'yung iba. 

Artemis: Do you think I care for him? Do we care for him?

Monica: Oo, dahil kaklase natin siya.

Text MessageDonde viven las historias. Descúbrelo ahora