Chapter 10: Missing

Start from the beginning
                                        

Artemis: Well, different people have different perceptions. 

Biglang tumayo si Artemis at naglumabas ng pinto. Nagsisunuran naman lahat ng kanyang alagad. Naiwan ang iba na patuloy pa rin sa pagbabasa. Si Emanuelle, nakatayo pa rin sa harapan at pinagmamasdan ang buong klase. Lumapit sa kanya si Kieffer at ginulat.

Kieffer: Hoy, tulala ka na naman. Lagi ka na lang tulala. Bakit, narerealize mo ba na sobra kong pogi. Sabay pose na nagpapapogi.

Emanuelle: Pakipatay nga ang malaking aircon sa katawan mo.

Kieffer: Bakit, Kasi ang cool ko?

Emanuelle: Hindi. Ang hangin kasi eh. Sa sobrang lakas, di ko mareach...

Kieffer: Puro ka talaga kalokohan eh.Sabay batok sa dalaga.

Emanuelle: Hindi, nagtataka lang ako kung bakit umabsent sina Angelique at Arvee. Hindi ko naman sila nakikitang nag-aaway. Sweet nga sila lagi eh. 

Kieffer: Baka naman may sakit or may emergency kaya umabsent. Ikaw, istinistress mo lagi sarili mo.

Emanuelle: Hindi mo naman maiaalis sa akin 'yun. Ako ang president ng class na ito. Obligasyon ko ang lahat.

Kiffer: Pwede ka namang humingi ng tulong sa akin eh. Vice President ako, pwede kong saluhin lahat ng problema mo. Kahit, ikaw, kapag na-fall ka sa akin sasaluhin kita.

Emanuelle: Ano ba? Seryoso ako 'di ba?

Kieffer: Sus, kinikilig ka lang eh. Kung alam ko lang, paty na patay ka sa akin!

Napatigil ang dalawa sa pag-uusap ng biglang dumating si Mr. Fantino na hingal na hingal at namumutla. Hindi siya pinansin ng karamihan, dahil sa wala talaga silang pakialam sa guro, pero napansin ito ni Monica at ni France.

Monica: Uso na ba talaga na kapag galing ka sa meeting, hihingalin ka?

France: Baka naman kasi tinakbo niya mula faculty hanggang dito.

Monica: May kakaiba talaga diyan sa gurong 'yan. First day pa lang, iba na ang atmosphere kapag kasama natin siya.

France: Ano ba yang mga pinagiisip mo, magreview ka na nga.

Nagsimula nang magturo si Mr. Fantino kahit kulang kulang sila. Natigil naman si Monica sa pagsusulat ng biglang nagvibrate ang phone niya. Kinuha niya ito sa bag niya at binasa ang nareceive na text message.

_______________________________________

From: Elleanor

To: Monica

Wala na akong ibang mahihingian ng tulong. Hindi ko na rin alam kung magtatagal pa ang buhay ko. Monica, please, kailangan ko ng tulong. PAPATAYIN nila ako. Please Monica, sabihan mo ang buong klase na mag-ingat sa kanila, Monica minamatyagan lang nila ang bawat kilos niyo...

Text MessageWhere stories live. Discover now