Entry #5: Childhood Sweethearts

Start from the beginning
                                    

Nagkamot ng ulo si Kuya Trez. "Ahh, we were going to surprise you sana after reading your stories."

Ahh, so close din pala siya sa magkapatid. Babalik sana ako sa front desk para bigyan sila ng privacy pero dumating din si Jed at napakapit sa braso ko si Mia.

"Hoy, akala ko ba ala ka ng boyfriend?! Palitan mo na 'about me' mo. Panira lang ng 'about me'," panimula ni Jed.

Hanubeh. Wala man lang 'hi, hello, hug naman dyan'? Ansuplado din pala neto.

Lumaki mga mata ni Mia, parang di ine-expect na yun agad ang entrada ni Jed.   "Hey, Jeqs. Uhm...ano ipapalit ko dun?" tanong nya.

"Edi yung may boyfriend part," pabalang na sagot ni suplado.

"Holo! Boyfriend kita?!" gulat na gulat si Mia.

Pati ako, nagulat din. Lumabas tuloy pagka-HR ko. "Teka, kayo ni Jed?? Kyaaaa!!!"

I swear, namula ng konti si Mia na humigpit ang kapit sakin. "Huh?! H-hindi po."

"Eh bakit ka namula?" balik ko sa kanya at naubo si Kuya Trez. Napapangiti rin tong si Jed. Hmmm, I smell something fishy. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa cafe para makaupo kami, at makakain daw ng suman si Mia.

"Huh?? Eh... haha... ala lang pu, pero sanay na akong lagi nalang kaming inaasar sa isa't-isa eh..." nahihiya nyang binulong sa akin.

Napangiti ako ng malaki. "Ayieee, kinikilig naman ako.. hahaha." Kinurot ako ni Mia bago sya pumunta sa ref para  hanapin ang suman na binigay ni Kalamay Girl kay Noru.

Nung paupo na kami sa mga couches, narining ko si Kuya Trez na bumulong. "Ikaw ah.. lagot ka sakin pag niligawan mo yan, isusumbong talaga kita kay Mino.. patay ka dun!!" Inirapan lang sya nung kapatid nyang umalis at nag-order naman ng maiinom.

Ha? Wazisdiz?? Di ko na naitago sa sarili ang tanong ko. "Teka.. so hindi ka boto kay Jed at Mia??"

Eto lang ang matipid na sagot ni Kuya Trez: "Secret, hahaha. May magagalit pag pinabayaan eh."

Nye. Sino naman kaya ang magagalit? Eh 18 naman na silang pareho. Oh well.

Maya-maya, nagpaalam si Kuya Trez. Pinapapasok daw sya sa work. Sya na ang toxic. Ako naman, third wheel dito. Gusto ko nang umalis, pero nakakapit pa rin sa akin si Mia kahit nag-wa-wifi gamit ang android phone nya. Sinulyapan ko si Jed na ganun din ang ginagawa. Ako, nag-i-imagine ng love story para sa kanilang dalawa, hahahah. Hindi kasi android ang cellphone ko, sareh naman.

Binasag ni Mia ang katahimikan at sa wakas, pinakawalan ang braso ko. "O yan, okay na? Nabasa mo?"

Nakangiting-aso naman tong si Jed. "Talagang nilagay ung "childhood sweetheart", hahaha."

Ayiee, childhood sweetheart, sabi ko sa isip ko at pinakinggan ko lang sila.

"Pfft!! Ikaw kaya nag sabi na yun ilagay ko," katwiran ni Mia.

"WALA AKONG SINABING YUN ANG ILAGAY MO!" Depensa naman ng isa. "Sabi ko.. example! Ikaw talaga, kaya kung ano anong issue ang nabubuo eh...  crush mo ko noh?!" Abot-batok ang ngiti ni Jed.

Napanganga ako...naka-high yata si Jed sa Rexona: Noru scent at bumabanat ng ganito. Alam kong sawsaw ako. "And the plot thickens!" At tumawa lang siya.

Napa-snort si Mia. "Hah!! Ako pa talaga?? Sure ka? hahaha. Bukingan ba gusto mo??" banta nya.

Dito ko na na-feel na kelangan ko nang umalis. "O sya, baka nakakaistorbo na ako sa inyong dalawa. Dun lang ako sa front desk."

A Watty Kind of LoveWhere stories live. Discover now