Hinawakan ako ni Mr. Beak sa pisngi. "Icancel natin ang date natin bukas. Let's make it on Saturday na lang. Papasok na lang ako bukas habang nagpapahinga ka."

Off ko talaga sa school every Monday at siya ay may pasok; pero willing siyang umabsent whenever we have plans. Alam kong labag sa loob niya ang pagcacancel ng dateday bukas but I badly need a rest. I'll probably be okay on Tuesday.

"Sige," sagot ko. Tahimik lang kami hanggang naihatid niya ako sa’min. Hindi namin pinag-usapan ang tungkol sa biglaang pagsulpot ni Aki like it never happened at all. I know both of us will get hurt. Once sinimulan na naming pag-usapan, alam kong magtutuloy tuloy na ‘yun hanggang sa umabot sa misunderstandings. I went straight to my room and slumped to my bed.

Drat. Kahit nakakaramdam ako ng exhaustion, hindi ako makatulog! Pabiling-biling ako sa kama. I turned on the lights and picked up one of my textbooks. Maybe reading can help me sleep.

I tried to read the next topic. Sige ako sa pagbabasa pero hindi ko maintindihan ang binabasa ko. May umo-occupy talaga sa malaking bahagi ng utak ko. Inilapag ko sa bedside table ang libro. I opened one of my draweres and reached for my earphone. Baka makatulong sa’kin ang soundtrip…

Napatingin ako sa eskaparate kung saan ko itinago ang violin ko. Ini-slide ko ang glass at kinuha ang violin case. It's been two years. I opened the case. Hinimas ko ang violin. Kinuha ko ‘yun at inilagay sa pagitan ng shoulder at chin ko. I drew out the bow and tried to play.

 

Creaak... Creaak...

Oh, no. Ang pangit na ng tunog na narinig ko! I don't know if it was in the strings or maybe my talent already abandoned me. If it was, I've got to put it back again.

Ugh... Bigla akong naconcious about my violin skills!

Is it because the piano sound I used to hear came back? Am I hoping for that piano's accompaniment again?

****

Rho:

Hindi ako dumiretso sa bahay pagkahatid ko kay Lukring. Tinext ko sina Santi at Clive. Inaya ko silang uminom. Nagkasundo kaming magkita sa bar na tambayan namin. Nauna akong dumating. Nakakailang shot na ako nang maspot-an ako ni Clive.

Inagaw niya ang shotglass na iinumin ko pa lang sana. Siya ang uminom ng laman nu’n. "Master, ang lakas mo yatang tumoma ngayon, ah? Lunes pa man din bukas."

Binawi ko sakanya ang shotglass bago nilagyan ng laman. "Fuck Monday. Kailangan kong magcelebrate ngayon. Hindi ako papasok bukas."

"Magaling, master. May problema ba kayo ng GF mo?"

Nadale din niya! Pero hindi rin. Wala 'kaming' problema. Ako lang ang mayroon. Problema ko ang Chi Yamada na ‘yun.

Mayamaya dumating na din si Santing ugok. "Mga ser, sorry, ah? Heavy traffic, eh," paliwanag niya sabay upo at tagay na rin. "Ano ba’ng meron?"

Violin Tears (Edited)Where stories live. Discover now