Chapter 2 - Text

Magsimula sa umpisa
                                    

Ganyan siya. Walang interest sa social media maging sa cellphone niya. Ang cellphone nga niya ay pinag lumaan na rin ng panahon. Mas priority kasi niya ang pag-iipon para sa future at needs nila ng pamilya. Hindi sila mahirap pero hindi rin mayaman. Sakto lang.

May anim na taon na sina Mia sa pabrika na kanilang pinagtatrabahuhan. Isa itong pagawaan ng cellphone. Masipag siya at laging best employee of the month. Lagi rin siyang perfect attendance. Kaya naman na-promote agad siya bilang supervisor sa kanilang department sa ika-isa nilang taon sa company. Pero dahil na rin yun sa angkin niyang talino at abilidad. Kaya deserve talaga niyang ma-promote.

Kaya lang, itong buwan na ito ay sinira ng madalas na traffic araw-araw sa bayan nila ang maganda niyang performance. Palagi na lang siyang last 5 minutes nakakapag log-in sa biometric nila sa company. Kaya nahihiya na rin siya sa ibang empleyado lalo na sa mga operator doon. Dahil naturingan siyang supervisor. Pero lagi siyang muntik-muntikan ng ma-late nitong mga nakaraang araw.

Every morning ay may meeting sila sa production bago magsimula ang trabaho nila. At si Mia ang nagsasagawa niyon. Pero dahil nga late siya. Kaya si Ella na lang ang nagsagawa ng morning meeting nila dahil assistant supervisor naman niya ito.

Pagkakita ni Ella kay Mia na humahangos papasok ng production ay binati siya nito agad-agad. Dahil alam nito na magagalit siya sa ginawa nitong pamimigay ng number niya sa di kilalang tao.

"Hi bestie, good morning!" masayang bati ni Ella na abot-tainga ang ngiti. "Kumusta ang umaga ng bff ko?" segunda pa nito na napakalaki pa rin ng ngiti. Halatang may kasalan.

"Naku bes, muntik na akong ma-late dahil sa traffic sa bayan. Naiinis na talaga ako sa traffic na yan. Buti ka pa hindi mo nadadaanan ang bayan doon sa may amin. Bukas kailangan ko na talagang gumising ng mas maaga pa, para hindi na mangyari sa akin ito. Kakahiya na sayo, lagi mo na lang sinasalo ang responsibilidad ko sa umaga. Saka nahihiya na ako sa mga operator sa production. Baka sabihin nila ay inaabuso ko ang position ko," mahabang sagot ni Mia na halatang inis na inis sa traffic.

Si Ella naman ay nakikiramdam kung kasama na rin ba sa inis niya ang ginawa nito kagabi. "Bestie, okay lang yun. They understand you," malambing na wika ni Ella sabay sukbit ng braso nito sa braso ni Mia at naghihintay na masermonan.

"Hay naku, halika na nga! Ang dami ko pang aasikasuhin sa office!" yakag na lamang ni Mia sa kaibigan.

Nagtataka namang sumunod si Ella sa kanya papunta ng office, habang iniisip kung bakit hindi pa ito sinisermonan ng kaibigan. Naka-ready pa naman ang tainga nito at paliwanag . Uwian na pero wala pa ring binabanggit si Mia kay Ella. Kaya hindi na nakatiis si Ella na tanungin ang kaibigan.

"Bestie, nag-text ako sayo. Na-receive mo ba?" malambing na tanong ni Ella sabay haplos sa braso ng kaibigan bilang lambing.

"Huh? Hindi ko nache-check ang phone ko simula pa kagabi e!" sagot naman ni Mia na walang karea-reaction.

"Ah kaya pala!" tatango-tango na sagot ni Ella na parang gustong umamin na hindi maintindihan sa kaibigan. Dahil sa ginawa nitong kalokahan. Sasabihin na sana nito ang kasalanan nito. Pero biglang pumara ng malakas si Mia sa driver ng jeep.

"Para po!!" malakas na para ni Mia. "Bestie, ano ka ba bahay n'yo na! Lalampas ka na, hoy!" tumatawang sambit ni Mia kay Ella na halatang nagulantang din sa hiyaw ni Mia na pabigla-bigla.

"Oo nga bes, salamat sa pag-para. Di ko na napansin. Ingat ka ha! See you tomorrow!" kakamot-kamot sa ulo na paalam ni Ella sabay baba nito sa jeep.

Pagkarating ni Mia sa bahay ay gising pa si Yu. Kaya sabay silang kumain ng hapunan kasama ang mama nila. Ang mga kapatid naman niya ay may overtime daw. Pagkatapos kumain ay tinuruan niya si Yu sa assignment nito. At pagkatapos nila mag-aral ay nanood naman sila ng favorite nilang teleserye. Ngunit hindi nila tinapos dahil nakaramdam na sila ng antok.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon