MUSIKA

364 4 0
                                    

Musikang mistulang hinihili ako

Dinadala sa imahinasyong nakatugma sa musikang aking pinakikinggan

Musikang isa sa dahilan upang maitago ang lungkot

Musikang hindi kayang pagsawaan

Musikang aking naging karamay

Sa tuwing nag iisa at tinatanggal ang mga negatibong napasok sa aking isipan

Musikang mistulang taong napapasaya ako

Na hindi nyo kayang magawa

Araw araw pinakikinggan

Sinasabayan na mistulang ako ang kumanta

Napakaraming uri ng musika

Ngunit ang musikang tungkol sa pagmamahal ang aking paborito

Pinaparamdan nito saakin ang salitang pagmamahal

At mga lungkot na nagpapaiyak saakin

Dinadama ang bawat salitang nakasulat roon

Musika ang aking nagiging karamay sa tuwing ako'y nag iisa

Sa tuwing may mga taong pinagtatabuyan ako

At mga taong walang pakealam saakin

Na ni minsan hindi ako pinahalagahan

Katulad ng pagpapahalaga ko sa kanila

Kaya kung may pagpipilian upang maging masaya

Sa MUSIKA ako sasaya

SPOKEN POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon