WAG AKO

406 7 2
                                    

"Para sa mga taong minsan ng pinagpilian pero ayaw ng maging sila."

WAG AKO

Mahal naalala mo paba kung paano tayo nag simula?

Sa kung paano ang ngiti sa ating mga labi ay di mabura

Basta tayo'y magkasama

Sa kung paano ang yapos mo at halik ang gamot sa lahat ng sakit

Nagpapagaan sa bigat na aking pasan

At bumubuo sa araw kong kulang kulang

Mahal naalala mo pa ba ang bawat saya at away na ating nalampasan

Dahil mahal natin ang isa't isa

Bawat luha na parehas nating pinunasan

Dahil hindi kita kayang mawala

Ganun karin diba?

Kaya nga tayo'y nagtagal...

Kaya nga tayo'y nagtagal...

Ng pansamantala

Pero mahal naalala mo rin ba nung unang beses kayong nagkasama

Nung unang beses ka niyang napangiti

Pati ang mapupungay mong mga mata

Nung nag usap kayong dalawa

Na parang kayo lang dalawa

Parang walang ako

Na parang walang tayo sa mundo nyo

Mahal naalala mo pa nung una kong pag iyak dahil sa kanya?

Malamang hindi

Hindi dahil sa na kalimutan muna

O meron kang amnesia

Malamang hindi

Dahil pinilit kong ilihim ang sakit

Pinilit kong sarilihin ang pait, ng selos at pagkainggit

Dahil mukang meron ng papalit

Mali

Mukang meron ng pumalit

Sa pwesto ko sayo

Hanggang sa hindi ko mapigilan

Tinanong kita ng walang pagaalinlangan

"May gusto kaba sa kanya?"

Pero ang sabi mo

"Ano ba kaibigan ko lang siya"

Mahal naman!

Hindi ako tanga

Hindi ako tanga

Para hindi malaman ang espesyal sa kaibigan lang

Hindi ako bulag

Para hindi makita sa inyong mga mata ang saya

Na tila may kakaiba pagdating sa kanya

Pero naniwala parin ako

Naniwala parin ako na wala lahat sa inyo

Ang pagtitiis mo na hindi ako kausapin habang kausap mo siya

Oo wala lang yun

Ang pagpuyat mo gabi gabi at pag abot niyo ng umaga sa pagkukulitan

Sa mga bagay bagay na pagkakapareho niyo

Oo wala lang yun

Ang pagbabahagi mo sa kanya ng paborito mong kanta

Habang sabay kayong nagaaliw sa ilalim ng musika

Oo wala lang yun

Dahil gaya ng sabi mo kaibigan mo lang siya

At ako ay hindi dapat mangamba

Siguro nga masyado lang akong malisyosa para pag isipan kayo ng hindi maganda

Kaya mahal nais kong humihingi ng tawad sayo at sa kanya

Patawad dahil nasaktan ako nung nakita kong kaya ka niyang pasayahin pa

Patawad kung nagalit at nagselos ako nung nakita kung nabubuo niya ang araw mo kahit tayo'y magulo

Mahal patawad dahil kinailangan ko ng sumuko sa laban na ito

Dahil alam kong ako na ang talo

At ngayon, kung magbabago man ang ikot ng mundo

At sasabihin mo saaking mahal mo pa ako

At kung pwede paba tayo

At at bumalik ako sayo

Pakiusap lang

Wag ako

At kung pipili ka sa pagitan namin ng kaibigan mo

Wag ako

Hindi dahil sa mas maganda siya

Hindi dahil sa kaya ka niyang pasayahin pa

Hindi dahil sa mas matalino siya

O mas magaling sa larangan ng musika

Kung sa tingin mo na isa sa nakaraan mo ang bubuo sayo

Wag ako

Wag ako dahil sa hindi kita kayang panindigan

Wag ako hindi dahil sa  Hindi ko siya kayang tapatan

Wag ako hindi dahil sa  hindi ko siya kayang higitan

Wag ako dahil hindi sa kaya kitang ipaglaban

Wag ako kundi dahil ayaw ko sayo

At kung satingin mo, meron kang taong kayang ipaglaban

Pakiusap lang wag ako

Wag ako hindi dahil sa hindi ako si basyang ng second chance

At hindi dahil sa hindi na kita gusto at ayaw ko na sayo

Wag ako

Dahil hindi mo  kailangan pumili sa aming dalawa

Dahil kung ako talaga, sa umpisa palang ako na sana

Wag ako dahil hindi mo ako dapat balikan

Dahil ako ang sumuko at nang iwan

Pero sana hindi mo ako binigyan ng dahilan

Wag ako dahil ayaw kong maging nakaraan sa kinabukasan mo

Wag ako dahil ayaw ko ng mawasak sa parehong dahilan

Ayaw ko ng umiyak sa parehong paraan

Dahil kinaya ko na

Mahal kinaya ko ng mabuo ng sarili ko lang

Kaya mahal pakiusap ko sayo kung magmamahal kang muli

WAG AKO.

SPOKEN POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon