"Hanap mo 'ko ng iba, 'wag si Deign." Tanya answered with a sly smile.

Inuga ni Zoe ang braso niya. "Bakit? Siya ba ang may mali o ikaw? I'm sure ikaw." Nababaliw na si Zoe, ano ba naman 'yan.

"It's just that gentleman at sweet sa kahit na kanino si Deign, ayoko ng gano'n. Kung may gugustuhin man ako, 'yung sa akin lang siya sweet, kasi ayokong maraming ma-fall sa kaniya." She explained.

Well, she got a point there. Kung ako siya, gano'n din ang iisipin ko. Baka rin kasi 'pag sweet sa iba ang magiging boyfriend ko, marami lang akong pagselosan at maging kaagaw. Ayoko rin 'yung nagmu-mukha siyang pa-fall o paasa. Okay na 'yung ikaw lang ang umaasa sa kaniya dahil alam mong, ikaw, may assurance ka sa kaniya.

When we, my twin and I, got home, I ate dinner as fast as I could to finish my friggin' assignments. Ugh. Ayaw ko mapuyat masiyado, kawawa ang beauty ko.

Kaharap ko ang laptop ko ngayon while typing my paper when my phone rang. Bakit kung kailan busy ka tsaka may manggugulo? Nang tignan ko ang screen, unregistered number naman.

"Hi, who's this?" I asked politely.

"Your sweetest nightmare."

I rolled my eyes upon recognizing his voice. "What do you want Deign?"

"Ah gusto ko ng Pinakbet ngayon 'yung may alamang ah."

"Busy ako. Kung wala kang magawa sa buhay, 'wag ako ang idamay mo. Atsaka kanino mo nakuha number ko?"

I heard him chuckle. Bakit ba natutuwa siyang naiinis ako sa kaniya? "Madali lang naman alamin number mo. Nga pala, nagawa mo na 'yung sa Management?"

"Hindi pa." I lied.

"Eh 'yung sa Philo?"

"Hindi pa." I lied.

"Weh, eh 'yung sa ParCor?"

"Hindi pa." Again, I lied.

Narinig ko ang malakas niyang pagtawa at nairita ako. "Wala naman talaga tayong homework do'n eh." Ano bang nakain nitong taong 'to? O baka naman nalipasan ng gutom?

Bababaan ko na sana siya pero nagsalita siya ulit. "Sige, naistorbo na ata kita. Bye Gianina." He ended the call. Hindi pa rin ako sanay sa pagtawag niya sa pangalan ko. Tinatawag lang naman akong Gianina 'pag galit na si Kuya o ang magulang ko atsaka 'pag prof. Madalas Gia na lang ang tawag sa akin.

I saved his number at ang nilagay kong pangalan niya ay 'A-hole' kaya ayan, siya pa tuloy ang unang-una sa contacts ko, bwiset.

Malapit na ako matapos sa lahat ng homework nang tumunog nanaman ang cellphone ko. Hindi ko na tinignan ang screen at pagalit na sinagot ito.

"Ano ba naman Deign, marami tayong homework, gumawa ka ng iyo at 'wag ako ang istorbohin mo!"

But I was stunned to hear a different voice. "Busy ka ba, sorry."

"Ah Gavin, no! Ano kasi... may kaklase ako, ang kulit eh tanong nang tanong parang 'di estudyante."

"Baka naiistorbo kita?"

"'Di ah, kailan ka ba naging istorbo sa'kin?" I beamed.

Kaya ayan, nag-kwentuhan kami buong gabi. He told me about the storyline of the teleserye, spoiler masiyado ang isang 'to eh.

"May kissing scene ba kayo?" I asked. Hindi naman ako nahihiyang itanong sa kaniya 'yan, I am too comfortable with him.

"Hmm, so far wala pa naman akong nababasang gano'n sa script. Bakit... ayaw mo bang gawin ko 'yon?"

A Levelheaded LassWhere stories live. Discover now