Edi age doesn't matter ! Pinapagaan ko lang naman loob ko eh !

' Wala na ba kayong iba pang kilalang Y ? '- tanong ko sa kanila.

' Wala na eh. Sorry Noona '- sagot ni Mingyu.

Napakamot nalang ako ng ulo at tinapos ko na yung niluluto ko.

' Kayong dalawang malandi, gisingin nyo na yung ibang members '- sabi ko dun sa Meanie.

Sumunod naman agad sila sakin. Pwede na nilang ipagpatuloy ang kalandian.

Hindi ako sanay na hindi nakikita si Vernon dito sa dorm.

Wala pa ngang limang oras na wala sya nami-miss ko na sya agad !

Tsk tsk. Malala ka na Soonbyul.

Nagsibabaan na yung ibang members tapos kumain na kami ng almusal.

Since wala naman silang schedule ngayon, nagkanya-kanya na sila ng gagawin.

Wala naman akong magawa kaya naghugas nalang ako ng pinggan at naglinis ng dorm. Training sa pagiging asawa ni Vernon.

Balak ko pa sanang maglaba kaso pinigilan ako ni tahong.

' Anong trip mo at nagsisipag ka ngayon ? '- tanong nya.

Trabaho ko naman talaga to ah ?

' Ginagawa ko lang trabaho ko '- sagot ko sa kanya.

Ngumiti sya.

' Tara sama ka sakin '- sabi nya tapos hinila ako sa kung saan.

Dinala nya ako sa likod ng dorm nila. Nagulat ako nang makita kong may hagdan pala dun papunta sa bubong. Bakit ngayon ko lang to nakita ?

Umakyat sya papunta sa bubong at ako naman ay naiwan dito na hindi alam ang gagawin.

' Huy ano forever ka na dyan ? Tara dito ! '- sabi nya.

Tinuro yung sarili ko.

' Oo baliw. May iba pa bang tao dito ? '- sabi nya.

Mukha kasing nakakatakot dun sa itaas eh !

Dahan-dahan akong lumapit at umakyat dun sa hagdan. Mga nakaka 3/4 na ata ako sa pagakyat nang hawakan nya yung kamay ko tapos tinulungan nya kong umakyat.

Bakit parang ang dali lang sa kanya na hilahin ako pataas ? Ganun ba ko kagaan ?

' Bigat mo '- sabi nya.

Juice colored.

Sinamaan ko sya ng tingin at natawa lang sya.

' Kalma. Upo ka dito sa tabi ko bilis '- sabi nya.

Naupo ako sa tabi nya kahit wala akong kaalam-alam kung bakit nya ako dinala dito.

Ang ganda pala ng view dito sa taas.

' Game. Magkwento ka. Anong problema mo ? '- tanong nya sakin.

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

' Para ka kasing umiiwas sakin eh. Tsaka medyo sumisipag ka na din. Ano ngang problema mo ? '- tanong nya.

Ikaw ang problema ko.

Pinapagulo mo sistema ko.

' Nakausap ko si Vernon kagabi .. '- sagot ko kahit na parang irrelevant yung topic na to dun sa sinasabi ni Joshua.

' Oh anong sabi ? '- tanong nya habang nakatingin sa malayo.

' May babae daw na nakakapagpasaya sa kanya. Di nya daw alam kung mahal na ba nya or what pero masaya na daw sya sa kung anong meron sila ngayon '- sabi ko.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now