"Nakakatakot na ang mga nangyayari dito sa lugar natin, Kaya ikaw nak mag ingat ka ah." tinabihan ko siya at niyakap.

"Opo ma mag-iingat ako promise."

•• Kinabukasan ••

"Ma alis na ko!" humalik ako sa kaniya at tumakbo na para pumasok sa school, may pasok pa rin daw kahit may nangyari kahapon, 'yung mga 2nd year lang ay pinalipat muna ng class room para hindi maabala ang mga pulis sa pag iimbistiga. Misteryo pa rin samin ang nangyayari. Marami din ang na takot at hindi pumasok, may mga iba naman na parang natuwa pa dahil daw patay na 'yung nang-bubully sa kanila. Hindi ko sila masisisi dahil sobrang kinatatakutan sa school na 'to si Earlenne lahat sinasagupa niya kahit teacher at matanda sa kaniya, wala siyang galang at pati ata magulang niya itinakwil na siya. Pero nakakaawa pa rin siya kasi walang hustisya ang pagkamatay niya.

"Hoy tulala ka?" pagkaharap ko kay Marshall ay nakangiti siya sa'kin at napakalapit ng mukha niya sa'kin. 3 inch? 2? 1? halos tumalon na naman ang puso ko sa ginagawa niya.

"Oh ba't ka namunula Fiolee? hahaha." napayuko na lang ako at tumingin sa ibang dereksyon.

"Wala kana don Marshall! pampam ka talaga no?" tinungkod niya ang kamay nga sa desk ko at tumingin sa bintana, tanaw kasi dito ang building ng mga second year kung saan naganap ang aksidente.

"Iniisp mo 'yung nangyari?" biglang sumeryoso 'yung tono ng boses niya, napatingala ako para tignan ang mukha niya at nakatingin lang siya sa building.

"Ah oo kasi parang 'di makatarungang 'yung pag patay sa kaniya." tumingin na rin ako sa labas ng bintana.

"Ah ganun ba." maikli niyang sagot. Saka siya bumalik ng pagkakaupo. Hindi na siya nag salita o nagkulit pa ng mag simula na ang klase. na tapos ang mga lesson namin at break time na. Palabas na ko nun pero pinigilan niya ko.

"Uy hindi mo na ko sinasabay sa pagkain Fiolee." ngumuso siya tas nag pacute. awww ang cute naman ni Marshall.

Ano sabi mo Fiolee?

"Oh namumula ka na naman Fiolee," sabi niya tas hinawakan niya 'yung mag kabila kong pisnge. Takte! lalo ako mamumula niyan eh!

"Yieee brad iba na 'yan." pang-aasar ni bruce saka lumabas ng classroom. Nangasar din 'yung iba namin mga kaklase kaya binitawan niya na 'yung pisnge ko at hinigit ako palabas ng room. To na naman si Heart nag wawala ano ba 'to! hawak niya kasi 'yung kamay ko eh, pero dati naman hindi ako ganito mag react pag magkasama kami ah!

"Tara kain tayo." hinatak niya ko pababa ng hagdan. Wala na kong magagawa kundi sumama sa ugok na 'to.

"Uy Fiolee kasabay ba natin kumain si Marshall?" bigla may nagsalita sa likod namin. Paglingon ko si Prince pala! oo nga pala sabay kami hehe.

"Ah eh kung okay lang?" Pagtingin ko sa gawi ni Marshall ay nanlaki ang butas ng ilong niya at feeling ko any time mag bubuga to ng apoy o usok eh. Ang sama ng tingin niya kay Prince.

"HAHA masaya nga 'to madami tayong kakain ng magkasabay eh," sabi ni Prince saka niya tinaas 'yung dala niya.

"Tamang tama madaming niluto si mama tara." tapos 'yun pumunta kami sa garden at doon kami kumain.

"Fiolee oh." inabot sa'kin ni Prince 'yung ulam kaso epal 'tong si Marshall inagaw!

"Huy akin 'yan eh!" Nginuya niya 'to ng may halong pang-aasar! parang baliw 'tong si Marshall may sapak na naman!

"Wolo no nokoun ko na." punong puno 'yung bibig niya at maarteng nginunguya to! bwiset!

"Hayaan mo Fiolee mayroon pa naman dito oh." tinusok niya ng tinidor 'yung ulam at nilapit sa'kin. Susubuan niya ko? enebe 'yan eh!

"Salamat." masaya ko 'tong kinagat at nginuya ng napakasaya HAHA

"Nakakawalang gana kayong dalawa!," sabi ni Marshall at nilagok agad ang tubig niya sa jag.

"Eh sino ba kasing epal na nag sabi sayong sumalo ka samin sa pagkain ha?" Ngumuso siya saka tumayo.

"Ikaw! pinilit mo pa nga ako eh tsk." inakyat niya 'yung puno at na upo sa sanga nito.

"Kapal mo! unggoy!"

"Wala akong paki amasona!" tumingin siya kay Prince "salamat sa pagkain prinsepe dito muna ko! gisingin niyo ko pag time na." saka siya pumikit at walang paki alam.

"Buraot talaga 'yang tao na 'yan." bulong ko, nakakainis naman kasi eh!

"Hahaha hayaan mo na Fiolee ubusin mo na 'yang kinakain mo." ngumiti ako sa kaniya at sabay namin inubos 'yung pagkain. Na tapos ang break time at pumasok na kami muli na naman kaming maghihiwalay ng Prince ko huhu ~

"Hoy Fiolee ayusin mo nga 'yang mukha mo nakakainis eh," sabi niya habang nakalagay 'yung kamay niya sa mga bulsa ng jacket niya.
Pacool effect pa mukha namang kawatan.

Pumasok na kami sa room at nag simula na naman ang bakbakan namin sa X at Y na 'yan na nakakaumay.

Ayko talaga ng Math.

TO BE CONTINUED

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now