Chapter - 8 He's So Annoying

275 7 0
                                    

Katelyn's POV

Nakarating na kami sa canteen at napahinto kami sa may pinto. Dahil pagod na pagod kami kakatakbo. Habang nasa may pintuan kami, hingal na hingal kami. Kaya napahawak nalang ako sa tuhod pati si Lindsey

"Hoy, bat ba kase tayo tumakbo?" Takang tano ni Lindsey sakin

"Wag kanang madaming tanong. Tara na!" Sagot ko at hinila siya papunta sa pila

Ng makaorder na kami naghahanap kami ngayon ng mauupuan kaso habang naglalakad kami may biglang pumatid sakin. Kaya bigla akong natalisod at bumagsak sa sahig

Tapos rinig kopa ang tawanan ng mga estudyante sa canteen. Anong nakakatawa sa nangyari sakin. At dahan dahan akong tumayo at pinulot ang mga pagkain na nabagsak at inilagay ko ulit sa tray na dala ko

Ng nakatayo na ako nakita ko si Stacy na nakacross arms sa harap ko at may ngiting na kakabuwisit sa mga labi niya "let's go, girls!" At umalis na sila

Tumakbo papalapit sakin si Lindsey "ok ka lang?" Tanong niya at kinuha ang tray na dala ko. Tapos inilagay sa lamesa kase tumapon na ang sopas na binili ko

"Oo"

Lalabas na sana kami pero ng pagtingin ko sa pintuan ng canteen andun si Calvin at ang mga kaibigan niya. Kita ko sa mata niya na naiinis siya. Pero hindi ko siya pinansin at dali daling lumabas ng canteen. Tapos umakyat na sa room ko. Pagpasok ko sa room wala pang tao, kaya naupo muna ako

Habang nakaupo ako, may naramdaman akong init at hapdi sa braso ko. Ng tignan ko yung paso ng sopas at namumula ito. Ang ginawa ko kinuha ko ang Colgate sa bag ko at nilagyan ang sugat ko

Habang nilalagyan ko napapamura pa ako "shitt!!" "aww!!" "tangina naman!" "Putcha!"mga murang ng galing sa bunganga ko. Dahil sa hapdi ng sugat ko

Calvin's POV

Ng makababa ako sa rooftop nakita ko ang mga kaibigan ko kaya inaya kona sila sa canteen. Habang nasa pintuan kami ng canteen. Nakita ko si Stacy na tinisod si Kate kaya nadapa ito at nagtawanan pa ang mga tao sa canteen. Anong nakakatawa sa nangyari kay Kate. Puta!

Ng makatayo siya pinulot niya ang mga pagkain na nakakalat sa sahig at nilapitan siya ng kaibigan niya. At lumabas sila ng canteen na hindi man lang ako pinapansin. Sinundan ko siya pumunta na ako sa room. Pero hindi muna ako pumasok sinilip ko lang siya. Maya maya may tinignan siya sa braso niya hindi ko masyadong makita kase malayo ako

Pero ng kunin niya ang Colgate sa bag niya nakita ko ang paso ng mainit na sopas sa braso niya. May araw ka din sakin, Stacy aniya ko sa isip ko

Habang nilalagyan niya ang Colgate sa braso niya mura siya ng mura at ako naman natatawa lang. Maya maya may nagsalita sa likod ko kaya naman nagulat ako ng pagharap ko si Stacy pala

"Ahm! Hi! Calvin." Kagat labi niyang bati kasama ang mga minions niya

Hindi ko siya pinansin tapos bigla siyang sumilip sa may bintana at ng makita niya si Kate. Napapikit siya at huminga ng malalim

"Kaano ano mo ba si, Kate?" Tanong niya. Sabay ngiti ng pilit

"It's none of your business." Sagot ko

"Is she's your friend, cousin, childhood friend, or batchmate?" Tanong niya

"More than that!" Sabi ko at pumasok na ng room. Napatingin naman siya sakin, pero walang halong expression sa muka niya

Hindi ko siya natiis at lumapit sa kanya "need help, I can help you with that." Sabi ko at kukunin kona sana yung Colgate. Pero bago kopa iyon makuha inunahan na niya ako

"Ahm! H-hindi na!" Sabi niya. At parang bang hirap na siyang magsalita. Tapos biglang tumulo ang luha niya at pinunasan niya yun

Ako naman wala akong nagawa kase ayaw niya naman. Itinago na niya ang Colgate sa bag niya at dumokdok

"Hey, if you need someone. Wag kanang maghanap. I'm here for you. Always!" Yun nalang ang nasabi ko. Tapos umupo sa desk sa gilid niya. At tinitigna ko lang siya

"Broo!" Pagtawag sakin ni Kevin

"Why?" Tanong ko

"What are you doing?" Tanong ni Leon. At itinuro ko lang si Kate

"Ahm! Kaya naman pala. Si Bestfriend!" Pagpaparinig ni James. Kaya ang ginawa ko nilakihan ko siya ng mata. Kaya naman tumahimik ito. Tapos naupo and then tumingin sa likod para makita kung ano ang ginagawa ko

"Dyan ka lang talaga?" Tanong ni Leon. At tumango naman ako

"Tyga naman pala!" Natatawa tawang sabi naman ni James

"Syempre naman, kailangan yan ayaw siyang pansinin, eh!" Pagpaparinig ng mga gago sakin. Ng hawakan ko si kitty ko sa ulo ramdam kong tulog ito

Lumapit ako sa mga kaibigan ko habang ang mga kamay ko nasa loob ng bulsa ko "mga gago kayo ang iingay ninyo. Baka narinig kayo!" Inis kong sabi sa kanila

"Bro, tulog, oh!" Sabi ni Kevin sabay turo kay Kate na nakadukdok sa upuan niya

"I know!" Sagot ko

"You know naman pala, eh! Kaya hindi kami maririnig!" Sagot pa ni James

"I don't care, just shut up. Okay!" Inis kong sabi

"YES! BOSS!" Sabay sabay nila sabi at may pa salute pa

"Mga abno!" Sabi ko at dumating na ang mga kaklase kong babae at mga lalaki. Syempre hindi maiiwasang tumingin samin. Pero hindi kona lang sila pinansin

*Ff*

Nagbell na it means uwian na, ang pinakahihintay ng mga estudyante dito sa school. "Goodbye class!" Pagpapaalam ni Prof samin

"Bye, Prof!" Sabay sabay nilang sabi. At naglabasan na sila at si kitty ko naman ay nagaayos ng gamit niya

At lumabas na kaya sinundan ko "bro, nauna na ako, ha!" Sabi ko sa mga kaibigan ko

"Sige"

"Okay, ingat"

"Sige bye"

Lumabas si Kate ng gate ng school at nagpunta sa gilid tapos dun naghintay. Kaya ang ginawa ko nagmadali akong pumunta sa parking lot ng school at lumabas na. Pumarada muna ako sa isang side ng gilid ng school at tinignan ko siya mula dun. Hawak niya ang cellphone niya at parang may itinetext. Yung driver siguro nila

Tinigna ko ang relo ko "shitt, 5:31 na. Ang tyaga naman niyang naghintay ng ganun katagal!" Sabi ko sa sarili ko

Nag-end ang class namin mga 4:30 tapos ngayon may kalahating oras na siyang naghihintay dito. Hay! Kaya ang ginawa ko pinaandar ko ang sasakyan ko at tumapat sa kanya. Ng makatapat ako aalis na sana siya. Pero binuksan ko ang bintana ng aking baby na mustang

"Sakay!" Chill kong sabi

"May sundo ako!" Sabi niya

"Wow! Totoo ba, kanina kapa nga dyan. Wala pa yung sundo mo!" Sabi ko. Habang nakangisi

"May sundo ako umalis kana!" Sabi niya

"Last change, sakay. Bago pa magbago ang isip ko!" Sabi ko. Pagkasabi ko nun biglang umulan ng malakas. Kaya wala siyang nagawa kundi sumakay. Buti nalang nakisama sakin ang panahon. Good job whether

"See, I told you!" Sabi ko at umirap lang siya

"Hatid kita, ah!" Sabi ko

"Hindi na, baba mo nalang ako sa condo ko. Alam mo naman yun diba!" Sagot niya

"Hindi! Kaya ihahatid kita." Sagot ko at pinaandar na ang sasakyan

*Ff*

_larayxssss_

A Playboy's Love |Complete| Book 1Where stories live. Discover now