Chapter - 7 Flashback

Start from the beginning
                                    

"Pikon"

"Pagong"

"Piko" Hindi kona pinatapos ang sasabihin niya. Dahil bigla ko siyang binasa ng tubig mula sa batis. At nakapikit lang ito. Habang basang basa ang muka

"IKAW!!" Sigaw niya

Tumakbo siya sakin at niyakap ako tapos dinala ako sa batis. Tapos dun niya ako binasa at syempre gaganti tayo. At yun na nga po, nagbasaan na kaming dalawa. Maya maya pa may sumigaw samin akala namin kung sino sila papa lang pala at sila tita

"KATELYN!! VIN!!" Sigaw nila

Tumawa kami ni Kate at nagkatinginan habang tumatawa "pagtaguan natin!" Sabi ko

"Sige"

At nagmamadali kami umahon sa batis para pagtaguan sila papa. Pero bago pa kami makatakbo biglang sumigaw si tito kyle papa ni Kate

"Hey, two of you! Where do you think your going, huh!" Sabi ni tito kaya napahinto kami ni Kate at natawa. Tapos dahan dahang lumingon sa kanila

Si Kate naman ay tumawa lang at tumakbo papalapit sa mama niya. Kaya nakigaya din ako. Bumalik na kami sa kubo sa farm at nakapagbihis na din, kumakain kami ngayon andito kami sa sofa ng kubo, yung kubo kase parang bahay siya. Malaki, pero made of wood siya

Ng matapos kaming kumain niligpit na nila ang pinagkainan namin ni pagong nato. At pumasok sila papa at sila tito na may dalang camera

"Smile!" Sabi ni mama kaya ngumiti ako pero nakadila. At si Kate din ngumiti pero napeace sign

"Nice shot, son!" Sabi ni mama

"How about me?" Malungkot na tanong ni Kate. Parang tanga lang siya

"You too! Syempre" Sabi ni mama at nilapitan si Kate at ikiniss sa noo. Tapos lumabas na sila ng kubo

Kaya ang ginawa namin ay sinundan sila at narinig namin na naguusap sila "ano uuwi na ba tayo?" Tanong ni papa

"Sige, anong oras na din!" Sagot naman ni mama

"Sige, pano ba yan. See you next week" Sabi ni tito kyle. Hala next week pa ang tagal

Ng narinig namin ni Kate ang next week nagkatinginan kami at nagyakapan "mamimiss kita mokong!" Sabi niya sakin. Habang nakayakap sakin

"Ako din, pagong. Mamimiss kita!" Sabi ko din habang nakayakap sa kanya

"Tama na yan, baka magkaiyakan pa kayo" Sabi ni tita Lynn

Natawa naman kaming dalawa at nagsimula ng maglakad papunta sa mga sasakyan namin "bye pagong" Sabi ko habang kumakaway pa

"Bye din, mokong. See you" Sabi naman ni Kate at may paplaying kiss pa

At yun pinaandar na nila ang sasakyan at umalis na kami ng farm, pati sila kate umalis na din

*End Of Flashback*

Katelyn's POV

Habang seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko unti unti na siyang naglalakad para lumapit sakin. Kaya ang ginawa ko umiwas ako ng tingin at aalis na sana. Pero bigla siyang tumakbo para hawakan ang braso ko

"Bakit?" Tanong ko

"Ahm! Sabi kase ni mama magdinner daw tayo. With your parents" Sabi niya. At ako naman tinanggal ang kamay niya sa braso ko

"Sige, sasabihin kona lang sa kanila!" Sagot ko at aalis na sana. Pero!

"Ahm! Aasahan ko na kasama ka." Sabi niya at tumango nalang ako.
Tapos umalis na ako ng rooftop, baka may makakita pa samin. Mabully pa ako. Habang naglalakad ako pababa ng hagdan ng rooftop ng may biglang tumawag sakin

"KATELYN!!" Napakalakas ng sigaw niya

Nilingon ko kung sino ang tumawag "bakit?" Kala ko kung sino. Si Lindsey lang pala. Nga pala hindi ko siya kaklase

"Tara na! Break na kanina pa. San kaba nagpunta?" Sunod sunod na tanong niya at sabi

"A-ah a-ano!" Sabay kamot sa ulo at ng tumingin ako sa hagdan ulit. Nakita ko na pababa si Calvin. Kaya ang ginawa ko hinila ko agad si Lindsey

"Uy, bakit ba?!" Tanong niya habang hila hila ko

"Basta, Tara kain na!" Sabi ko at binilisan pa ang takbo papunta sa canteen

_larayxssss_

A Playboy's Love |Complete| Book 1Where stories live. Discover now