Matapos makapagbihis ay binuksan ni Archer ang laptop at nagpunta siya sa isang website na ginawa ni Marjayrie para sa grupo nila. That kid is a computer genius. Doon nilalagay ni Marjayrie ang mga impormasyon tungkol sa mga misyon nila. Mahigpit din ang security sa naturang website kaya walang makakapasok doon maliban sa kanila na may access.

Matapos ang ilang security verification ay binuksan ni Archer ang folder na may nakalagay na MISSION X. Mabilis na binasa niya ang mga binigay na impormasyon ni Marjayrie. Nagtagis ang mga bagang niya nang mabasa ang tungkol sa susunod nilang misyon.

Tungkol iyon sa isang malaking sindikato ng ipinagbabawal na droga. Mariin niyang naipikit ang mga mata nang may biglang dumaan sa isip niya. Nahinto ang daliri niya sa pag-scroll nang makita ang litrato ng isang pareha na kasama sa mga nasa report ni Marjayrie. Hindi siya puwedeng magkamali. Ilang beses lang siyang nanatiling nakatitig sa nakangiting mukha ng babae sa picture. She had a heart-shaped face. Bilugan ang mga mata nito at katamtaman lang ang tangos ng ilong. Mabilis niyang tinawagan si Marjayrie.

“Change of plans,” bungad niya nang sumagot ito. “Inform everyone that we will have our meeting tonight.”

“Okay.”

Naihilamos ni Archer ang mga palad sa mukha at pagod na isinandal ang likod sa backrest ng swivel chair. Muli niyang tiningnan ang litrato ng babae. Bakit ba mukhang pinaglalaruan siya ng tadhana?

HINDI pa man tuluyang nabubuksan ni Archer ang pinto ng head quarters ng grupo nila ay naririnig na niya ang ingay sa loob. Nasa 20th floor ng building na pag-aari ni Marjayrie ang head quarters ng VIGILANTES. Doon sila nagmi-meeting tungkol sa mga misyon nila. Nanggaling si Marjayrie sa isang mayamang pamilya. Ulila na ito sa magulang at si Almario Trinidad ang tumatayong guardian nito na bestfriend ng papa nito.

Mahigpit ang security sa naturang building at kailangan din ng special access card para makarating sa floor na iyon.

Napailing na lang si Archer bago buksan ang pinto. Pasado ala-una na ng madaling araw nang magsara ang CLASSICS. Nagkaroon ng kaunting aberya sa restaurant kaya hindi siya kaagad nakaalis.

Naabutan niyang kumpleto na ang mga kasama niya sa loob at mukhang siya na lang ang hinihintay. Napalingon ang mga ito sa kanya.

“Finally, dumating na rin ang leader natin,” nakangising sabi ni Earl na unang nakakita sa kanya. Hindi pa nakuntento ay tumayo ito at pumalakpak.

He just answered him by raising his middle finger. May isang pahabang mesa sa gitna ng silid at may anim na upuan. May isang malaking monitor sa may bandang harapan at sa tabi niyon ay isang whiteboard.

Umupo siya sa tabi ni Hunter na tumango lang sa kanya bilang pagbati. Ito ang pangalawang pinakabata sa kanilang anim at lagi lang itong tahimik. Specialty ni Hunter ang one on one combat. 

Nakaupo naman sa kanan niya si Zai. Zai is the deadliest woman he had ever met. Napatunayan na niya mismo ang bagay na iyon. She is also the sniper of the group. She can hit any target no matter how far it is. Ito ang nagsisilbing back up nila sa tuwing may mga misyon sila.

Napatingin siya sa harapan kung saan nakaupo sina Marjayrie, Charity at Earl. Si Marjayrie ang Information Specialist ng grupo at ang pinakabata sa kanilang anim. Ito rin ang tumitingin sa mga magiging ‘misyon’ nila mula sa database ng NBI. Kaya nitong makapasok sa kahit anong website ng walang kahirap-hirap. 
Earl is the group’s charmer. He can easily charm anyone. Kaya naman ito ang madalas na kumukuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pag-iinterview sa mga tao.
Charity is the group’s energy pill. She also had this sunny personality. Ito rin ang nagsisilbing mediator nila kapag may mga pagkakataong nagkakaroon sila ng mga hindi pagkakaunawaan. They gave her the nickname ‘Chameleon’. Kaya kasi nitong bagayan o gampanan ang kahit anong role na ibigay dito. Forte nito ang pagdi-disguise na lagi nilang nagagamit sa mga misyon nila. She can be a shy school girl and transformed into a seductress in just a snap of a finger.

VIGILANTES BOOK 1: Archer (The Leader)Where stories live. Discover now